Vice, naglitanya sa ‘pambi-victim’ ni Anne

May 3, 2022 Vinia Vivar 188 views

Vice

Idinaan ni Vice Ganda sa biro ang litanya niya kay Anne Curtis na hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa It’s Showtime.

Sa live episode ng noontime show last Monday sa segment na “Showtime Sexy Babe,” kinakapanayam ni Vice at ng mga co-host na sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang isang contestant tungkol sa studies nito.

Gusto ng contestant na maging flight attendant hanggang sa napunta ang usapan sa mga out of the country travel.

Tsika ni Vice, nabiktima raw sila ni Anne nang pumunta sila sa New Zealand para dumalo sa kasal nito with Erwan Heussaff.

“Ang layo ng New Zealand, ’di ba? Na-victim tayo. Tapos business class tayo, tapos ‘yung eroplano ’kala mo papunta ng Ilocos lang,” sey ni Vice.

Ang laki raw ng nagastos nila that time.

“Ang laki ng inabala ni Anne. Ang laki ng gastos, ’di ba? Para kay Anne. Mahal namin siya, eh. Ang layo ng New Zealand, ang mahal ng pamasahe, sobrang ‘yung in-exert naming effort, pero buong-puso naming ginawa kasi mahal namin si Anne,” ani Vice.

Pagkatapos ay bigla siyang humirit ng “mahal namin siya, tapos ang tagal niyang bumalik (sa show).”

Tawanan.

Tanong ni Vhong, “Kelan ba babalik?”

Sagot naman ni Vice, “Ewan ko diyan.”

Sabi naman ni Ogie, “may concert” na ang tinutukoy ay ang comeback concert ni Anne na gaganapin sa Resorts World.

Sagot ulit ni Vice, “Oo, may concert. Inuna pa ‘yung pagkanta. Ayan, hirap na hirap siya.”

But obviously ay hindi naman seryoso si Vice sa pang-ookray kay Anne at nagyaya pa siyang manood ng concert ni Anne.

“Hoy, manood tayo ng concert ni Anne!” aniya.

Sa huli ay nagpahatid pa si Vice ng mensahe kay Anne para sa nalalapit na concert.

“Good luck, Anne! We love you, we miss you!” sey ni Vice.

AUTHOR PROFILE