Jennylyn na-Caesarian section muli sa panganganak

May 3, 2022 Aster Amoyo 312 views

KUNG ang Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ay nakapagsilang na ng baby boy na si Sylvio nung nakaraang April 27 na kanyang pinangalanang Sylvio (mula sa kanyang adoptive mother na si Sylvia Quinto) courtesy of her non-showbiz partner, nakapag-silang na rin sa kanilang respective baby daughters ang singer-actress na si Jennylyn Mercado at ang actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez.

Parehong hindi nag-share ng petsa ng pagsilang ng kanilang respective babies sina Jennylyn at Winwyn.

Si Jennylyn ay pinaniniwalaang nagsilang ng first baby nila ng kanyang kapwa Kapuso husband, ang singer-actor na si Dennis Trillo last April 25 nang magtungo ng pagamutan ang mag-asawa.

The singer-actress was immediately wheeled in sa operating room where she had a Caesarian section just like her first child na si Alez Jazz, 13 by ex-boyfriend, actor Patrick Garcia.

Hindi pa rin nagbabahagi si Jennylyn and husband Dennis ng ilang detalye ng panganganak ng singer-actress maging ang pangalan ng bata.

Bago naging mag-asawa sina Jennylyn at Dennis ay pareho silang Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil ang kanilang first child as a couple ay isang baby girl.

It was on October 2021 nang i-announce ng couple ang pagbubuntis ni Jennylyn na sinundan ng kanilang engagement. Nung November 15, 2021 ay ikinasal naman ang dalawa sa isang civil wedding rites kasunod ng pagri-reveal ng couple ng gender ng kanilang magiging unang baby na isang girl.

Ang pagsilang ng unang baby nila ni Dennis ay magsisilbing advance birthday gift para sa singer-actress who is turning 35 sa darating na May 15 gayundin sa kanyang mister na si Dennis na magpu-forty 1 on May 12.

Ang pag-iibigan ng mag-asawa ay nabuo sa set ng “Now and Forever: Dangal” in 2006 pero in 2010 ay nagkahiwalay ang dalawa but reconciled in 2014. Since then ay naging inseparable na ang dalawa na nauwi sa pagbubuntis ni Jennylyn, na sinundan ng engagement and eventually sa kanilang pagpapakasal nung nakaraang November.

Sina Jennylyn at Dennis ay parehong homegrown talents ng Kapuso Network.

marquezLuna

Baby Luna advance birthday gift Kay Winwyn

IT was only last December sa presscon ng kanyang pinagbidahang Metro Manila Film Festival movie na “Nelia” nang aminin ng actress at dating beauty queen na si Winwyn Marquez na siya’y five months pregnant courtesy of her non-showbiz partner na hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang i-reveal ang identity.

Although nakapagsilang na si Winwyn ng baby girl na kanilang pinangalanan ng Luna Teresita Rayn, hindi ito nag-share kung kelan siya nagsilang pero may suspetsa kami na ito’y nangyari either last Sunday, May 1 or May 2 (Monday).

Bukod kay Winwyn at sa kanyang partner, tuwang-tuwa rin ang estranged parents ng actress at dating beauty queen na sina Joey Marquez at Alma Moreno sa pagkakaroon nila ng unang babaeng apo.

Maituturing ding advance birthday blessing si Baby Luna kay Winwyn who is turning 30 sa araw na ito ng Miyerkules, May 4.

Winwyn made history when she was crowned as the very first Filipina beauty queen to win the title of Reina Hispanoamericana in2017 which was held in Santa Cruz, Bolivia nung November 4, 2017.

Loren1Loren2

Enjoying our Antique sojourn

WE will definitely cherish our very first time to visit Sen. Loren Legarda’s hometown (by her mother side), ang Antique Province na bahagi ng Western Visayas. We were even reluctant na sumama dahil sa aming crazy schedule in Manila but we’re glad we went.

Antique which is just four hours drive sa Iloilo International and Domestic Airport and also four hours away patungong Boracay at iba pang mga karatig na lugar is a booming town dahil na na rin sa suporta ng kanilang minamahal na si Inday Loren (Loren Legarda) na siyang nag-initiate at patuloy na tumutulong na lalong mapaganda ang lugar hindi lamang sa pamamagitan ng iba’t ibang imprastraktura kundi maging sa mga kabuhayan ng mga tao roon.

Maganda at malinis ang Antique bukod pa sa napaka-warm ng mga tao roon. Hahangaan din ang lugar sa booming business doon, ang kanilang magagandang hotels, restaurants, theme parks and eco parts, sariling mga produkto at delicacies at masasarap na pagkain.

Our overnight stay in Antique was a tight but a memorable experience bukod sa napasyalan naming ang iba’t ibang tourist’s attraction ng lugar tulad ng Bahay nga Bato, a 194 ti 211-year-old house which is now the venue to exhitibt the province’s living traditions tulad ng Likhaan na sinimulan ni Sen. Loren sa Intramuros, the Old Capitol Building, Malandong River, Espanade, Greenhouse in San Remigio, Anini-y Church, Antique Airport at iba pang magagandang lugar. Napuntahan din naming ang Aningalan’s Highland Strawberry Farm. Maging ang century-old Camina Balay na Bato (in Iloilo City) ay napasyalan din namin where we feasted the sumptuous merienda prepared for our group by Mrs. Lut Camina who warmly and personally attended to us and became our instant friend. Bago kami tumulak patunong Iloilo Airport ay hindi rin naming malilimutan ang aming kakaibang lunch sa Szornik Farm Resort..

Fiesta ng San Jose, Antique last Sunday, May 1 pero hindi pa rin sila nakapag-observe ng iba’t ibang fiesta activities dahil nasa gitna pa rin ang bansa ng pandemya but we took advantage na mapuntahan ang iba’t ibang mga scenic spots ng probinsya. There was an ongoing trade fair at the Old Capitol Building kung saan lahat naka-display ang iba’t ibang local products na siyang pride ng Antique. To our surprise, nakita namin doon ang dating PR executive ng GMA Network na si Jayce Perlas na siyang tumatayong Provincial Tourism Officer na siyang personal na sumalubong at nag-welcome sa aming grupo.

In one of the booths ay nagkita rin kami ng dati kong secretary sa OctoArts na maganda ang trabaho roon at isa sa mga active participants ng mga trade exhibits sa nasabing lugar.

Dahil sa efforts ni Sen. Loren Legarda, nagkaroon ng thrice-a-week direct flight ang Antique (Sunday-Wednesday-Friday). Tinulungan din niya roon ang mga medium and small scale businesses doon gayundin ang patuloy na development ng magagandang lugar ng probinsya gayundin din sa mga farmers at kasama na rito ang Greenhouse na matatagpuan sa San Remigio.

We would like to express our personal thanks sa napaka-efficient staff ni Sen. Loren na sina Jene Fulgencio and Richard Burton, their local staff and van drivers, our colleague Shirley Pizarro and to our new-found friend na si Marlene Liao who also personally attended to us. Si Marlene and her businessman husband na si Alex Liao ang may-ari ng mala-five star Xela Boutique Hotel where we stayed overnight. Kahit may may mga staff siya sa hotel, she personally cooked delicious food for us at kasama na rito ang `to die for’ special empanada na siyan mismo ang nagluto.

Marlene and husband Alex own a number of businesses in Antique. Bukod sa Xela Botique Hotel, they own The Pinaccle Susites and Functions, Marie Garden (where we had our dinner last Sunday), DDL & Sons Group, Susana Marketing, Krisander Group among others.

What inspired us ay ang pagiging warm, simple and humble ng mag-asawang Marlene and Alex sa kabila ng kanilang pagiging successful businessmen.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE