Jennylyn

Jennylyn nanganak na sa first daughter nila ni Dennis a si Baby D

May 3, 2022 Eugene E. Asis 231 views

Jennylyn1

ISINILANG ni Jennylyn Mercado ang bouncy baby girl na may timbang na 5.7 pounds na panganay nila ni Dennis Trillo noong April 25 at 5pm thru Ceasarian procedure sa isang sikat na ospital sa Metro Manila.

Pinangalanan ng mag-asawang Jennylyn at Dennis ang panganay nila na Baby D. First girl ng family ng mag-asawa dahil parehong lalaki ang kani-kanilang anak sa nauna nilang karelasyon.

Si Dennis, nagkaanak kay dating beauty queen Carlene Aguilar, nsi Calix Andreas Ho. Si Jennylyn naman, sa dating actor Patrick Garcia, na si Alex Jazz.

Sa balita ng 24 Oras (May 2) sa portion ng Chika Minutes, sinabi na malalaman pa ang ibang detalye tungkol kay Baby D sa YouTube Channel ni Jennylyn. Yung nursery room ni Baby D, ipinakita sa Episode 13 ng YouTube Channel ni Jen.

Samantala, ang nahintong taping ng soap ng GMA, Love. Die. Repeat, na bida sina Jen and Xian Lim, inaasahang itutuloy kapag fully recovered sa panganganak si Jen.–NOEL ASINAS

AUTHOR PROFILE