Vice

Vice at Ion, naglustay ng P380,000 sa ‘baby’

March 16, 2023 Vinia Vivar 402 views

May “baby” na ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez. Ibinahagi nila ito sa YouTube channel ng Unkabogable Star noong Wednesday.

“We’ve been talking about this for quite some time now and we are very excited, we’ve been preparing for this,” ang simula ni Vice sa vlog.

“I wanna share with you our plan to have a baby,” announcement pa niya.

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yung bahay namin. Para may mapag-share-an din kami ng saya, tapos mayroong magpapasaya sa ’ming bago, mayroon kaming lalambingin, mayroon na kaming mamahalin, mayroon na kaming aalagaan. Para lalong maging masaya ang life.

“So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo, ‘di ba? Kapag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo. Gano’n! Kaya kailangang maging happy tayo lagi.

“So para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi dadalawa lang kami,” dagdag pa ng TV host/comedian.

It turned out na papunta pala sila sa isang pet store kung saan ay bibili sila ng asong kanilang aalagaan.

Ito raw ang kanilang magiging baby.

Nakapili agad ng doggie ang celebrity couple at ito ay black and white Pomeranian na nagkakahalaga ng P380,000.

Sey ni Vice, “380 thousand, my Gad! Ilang gabi akong magpopokpok para kitain ko ‘yang 380 thousand ate, no!

Pag-uwi nila ay dala na nila ang doggie na iisipan pa raw nila ng name.

“Ayan, ang GV-GV ng life kasi mayroon na kaming baby. We have a baby daughter,” sey ng proud new mommy na karga-karga na ang kanilang “anak” ni Daddy Ion.

AUTHOR PROFILE