Vic SOURCE: Pauleen Luna Sotto on Instagram

VIC, PAULEEN ‘HUMIWALAY’ KAY TALITHA

April 30, 2023 People's Tonight 380 views

NITONG Biyernes, Abril 28, ipinagdiwang ang kaarawan ng batikang hosts ng Eat Bulaga na si Bossing Vic Sotto sa edad na 69 years old.

Ayon sa panayam, sinabi ng asawa ni Bossing Vic na si Pauleen Luna na okay naman ang kaniyang asawa ng mga nagdaang araw.

Noong Linggo, Abril 23, ay nagpositibo si Bossing Vic sa COVID at nag-negatibo naman ang kaniyang asawa.

Pero para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa, pinili ng mag-asawang mag-isolate at pansamantalang humiwalay sa anak nilang si Talitha

Awang-awa ang mag-asawa dahil iyak ng iyak ang kanilang anak at hindi naiintindihan bakit hindi ito makalapit sa kanila.

Ngunit nitong Biyernes, Abril 28, ay nag-negatibo naman si Bossing sa swab test na kung saan sakto sa kaniyang kaarawan.

Agad nagpasalamat si Pauleen sa IG Post nitong Biyernes na nagsasaad ng “Finally reunited! Happy to be celebrating Vic’s birthday together (we were both in isolation for 5 days and finally got ‘one line’ just in time for the birthday!)”

“Thank you, Lord, for the gift of healing, family and friends. Thanks to everyone who sent in cakes and gifts! God bless us all!” karugtong ng caption sa post ni Pauleen.

Pansamantalang hindi na muna pinapunta ang anak at mga apo ni Bossing Vic para mag-celebrate ng kaniyang kaarawan dahil kagagaling lamang nito sa COVID. Pero nitong Sabado, Abril 29, ipinagdiriwang naman ang kaniyang kaarawaan sa noontime show na Eat Bulaga. Ni PAUL BACON (OJT)

AUTHOR PROFILE