Bossing

Vic at Pauleen, gusto nang sundan si Tali

September 24, 2022 Vinia Vivar 308 views

Officially artista na si Tali, ang four-year-old daughter nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Kasama siya sa bagong show ng mga magulang sa Net25 na Love, Bosleng and Tali.

Tinanggap ng mag-asawang Bossing Vic at Pauleen ang show dahil sa bahay naman nila ang taping nito at magkakasama silang pamilya plus maganda raw ang concept.

Sa nasabing show ay iba-ibang istorya ang aabangan ng manonood tuwing Linggo, 6 p.m.

Tutulungan nila Bossing and Pauleen (BosLeng) ang isang letter sender kung saan ay magbibigay sila ng payo sa buhay.

Bagay na bagay daw ang konsepto ng show sa Net25 dahil nga good vibes lang ito at very positive.

Isinama nila si Tali sa show dahil nakikita nila na mahilig ang bata sa showbiz.

Hindi ito kataka-taka dahil nga parehong artista ang mga magulang niya.

“Behind the camera, she’s very funny, nakakatawa siya. Eh, hilig, eh. Alam mo na, ‘pag hilig ng bata, hindi mo maaawat, eh, hindi mo mapipigil. Ang importante naman eh, nag-i-enjoy siya. Tulad nga ng sabi ni Poleng, enjoy siya sa ginagawa niya, looking forward parati ‘pag may taping kami,” sey ni Bossing sa ginanap na grand mediacon ng Net25.

Dagdag naman ni Poleng, “And for me, what’s nice is that we’re present sa first acting experience niya, we can lead her, we can somewhat protect her, and also, I think, she’s very fortunate dahil ‘di ba, she’s given this chance to learn from the best,” sabay turo kay Vic.

Natanong ang mag-asawa kung may balak pa silang sundan si Tali at sey ni Pauleen, “Kung ibibigay naman ni Lord, then, of course, I want. But you know, we’re very happy with Tali and she’s been praying for a baby sibling. But siguro, we’ll just pray harder. But kami naman, whatever goes, okay naman.”

Ayon naman kay Bossing, syempre ay gusto rin niya.

“Kaya pa naman,” sey niyang natatawa.

“Isa lang naman ang problema, si Tali, laging nasa gitna namin,” dagdag pa niya.

ANNIVERSARY CONCERT

Mapapanood na ng mga Kapuso sa Amerika ang 17th anniversary concert ng GMA Pinoy TV this weekend.

Nitong Huwebes, September 22, lumipad na patungong Amerika sina Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Dingdong Dantes para sa Together Again: A GMA Pinoy TV @ 17 Concert na gaganapin ngayong September 25 sa Pechanga Theater, Pechanga Resort Casino sa Temecula, California, USA. Kasama rin nila si Direk Mark Reyes na kanilang concert director.

Siyempre, magpe-perform din para sa mga Kapuso abroad sina Ai-Ai de las Alas at Lani Misalucha na parehong nasa US ngayon.

Huwag palampasin ang bonggang pagsasama-sama ng brightest Kapuso stars para sa pinakamalaking handog ng GMA Pinoy TV sa kanilang 17th anniversary.

AUTHOR PROFILE