Vhong suportado ng mga kasamahan sa showbiz

September 21, 2022 Aster Amoyo 452 views

ALL-OUT ang suportang ipinapakita ng mga kasamahan ng dancer-turnedactor-comedian-host na si Vhong Navarro ng kanyang mga `kapatid’ at kasamahan sa “It’s Showtime” maging ang kanyang (dating) mga kasamahan sa Streetboys dance group kung saan ang veteran and award-winning director na si Chito Rono ang kanilang manager o tatay-tatayan.

Naniniwala rin ang maraming mga kasamahan ni Vhong sa industriya na siya’y inosente.

Ang buong akala ng marami ay tapos na ang kaso ni Vhong nung taong 2014 na inihain laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Matapos mag-issue ng dalawang warrant of arrest kay Vhong ang Taguig Regional Trial Court, personal na itong sumuko sa tanggapan ng NBI.

Although nakapag-lagak ng bail si Vhong para sa kasong Acts ofLasciviousnes wala namang bail ang rape kaya nananatili siyang naka-detain sa NBI hanggang ngayon.

Dahil dito, magpa-file ng motion ang kampo ni Vhong.

Ciara

AMBS ni Villar naghahanap ng maraming talents

SINCE nagsisimula pa lamang ang ALLTV ng AMBS (Advanced Media Broadcasting System) ng mga Villar na siyang naka-acquire sa prime frequency na dating hawak ng ABS-CBN, more and more talents will be signed up by the new radio and TV network.

TV host-producer and businessman Willie Revillame na very close sa business tycoon at dating Senate President na si Manny Villar plays an important role sa pag-sign-up ng mga talents.

Bukod siyempre kay Willie who co-produces and hosts his own nightly game show na “Wowowin,” kabilang na rin sa ALLTV sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Anthony Taberna, Ciara Sotto, Randy Santiago at Ruffa Gutierrez and more to come.

Hindi rin kami magtataka kung mapupunta rin sa ALLTV ang libu-libong empleyado na nawalan ng trabaho nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020.

Marami rin sa mga dating in-house writers, directors, researchers, technical people and executives ang inaasahang lilipat sa bagong tatag na radio and TV network. Mas pipiliin siyempre ng ALLTV na kumuha ng mga taong may karanasan na sa radio and TV industry na inaasahan ding papasukin ang movie industry eventually.

Hindi rin kataka-taka kung magkakaroon ng partnership balang araw ang AMBS at ang ABS-CBN for creative contents and free TV exposure ng Kapamilya programs tulad ng nangyayari ngayon between ABS-CBN and TV5 maging ang ABS-CBN and Channel 11 (now A2Z).

Ruffa

Anak ni Ruffa sa Italy nagdaos ng 18th birthday

ISA nang ganap na dalaga ang second and youngest daughter ni Ruffa Gutierrez sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na si Venice Gutierrez Bektas who turned 18 last September 11.

Sa halip na mag-celebrate ng kanyang debut party, mas ginusto ni Venice mag-travel sa Europe particularly Italy with her mom Ruffa.

It was only last July 2022 when Venice and her elder sister na si Lorin Bektas got reunited with their father in Turkey after not seeing each other sa loob ng 15 years. The father and daughters reunion was one of the most memorable moments sa magkapatid na Lorin at Venice.

TV series nina Lovi at Janine kasali sa NewFest 2022 sa New York

ANG iWant TFC material na “Sleep with Me” na ipinalabas last August at tinampukan nina Lovi Poe at Janine Gutierrez mula sa panulat at direksyon ni Samantha Lee and jointly produced ng Dreamscape Entertainment and Project 8 Projects ay isa sa mga kalahok sa 2022 NewFest, a New York-based LGBTQ+ film festival kung saan 130 films from 23 countries ang participants.

The festival will be headlined by the world premiere ng HBO documentary na “Mama’s Boy” ni Laurent Trouzereau bilang opening night screening. Dito ring mangyayari ang advance screening para sa Season 2 premiere ng HBO series na “The White Lotus”.

The three-day festival will start on October 13 at magtatapos on October15, 2022.

Maricel

Maricel may bagong TV series

EXCITED ang Diamond Star na si Maricel Soriano dahil meron siyang bagong TV series na sisimulan na pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal.

Although wala pang ibang detalye na ibinabahagi tungkol sa gagawin niyang bagong serye, pinaghahandaan na niya ito.

Ang bagong sisimulang serye ni Maria ay follow-up series niya sa hit primetime TV series na “Ang Sa Iyo ay Akin” na tinampukan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Rita Avila at Sam Milby na ipinalabas ng ABS-CBN nung August 17, 2020 hanggang March 2021.

The new TV series will be her first for the year 2022. Samantala, isa na ring YouTuber si Maricel gayon.

Vilma

Ate Vi may gagawin nang pelikula

AFTER 24 years in public service, pahinga muna sa pulitika ngayon ang Star for All Seasons na si Vilma Santos kaya babalikan nito ang pag-arte.

Soon ay sisimulan na rin niya ang kanyang bagong movie project under Reality MM Studios (former Reality Entertainment) ng mag-business partners na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde.

For now, nagi-enjoy siya sa kanyang pagba-vlog na kanyang minana sa kanyang panganay na anak na si Luis Manzano at misis nitong si Jessy Mendiola.

Excited din si Vi sa kanyang magiging unang apo (girl) sa mag-asawang Luis at Jessy.

Maganda ang track record ni Vi pagdating sa public service kaya malaya niya itong mababalikan kung nanaisin niya balang araw.

Ronnie

Ricketts balik-showbiz

UNTI-UNTI nang nagbabalik-showbiz ang mag-asawang Ronnie and Mariz Ricketts.

Sa recent episode ng local franchise ng “Family Feud” hosted by Kapuso actor-host, Dingdong Dantes, naglaro ang pamilya Ricketts against Domagoso family ng actor at dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso.

Ang Ricketts family ang nakapag-uwi ngP200,000 jackpot prize habang tumanggap naman ng P20,000 ang kanilang napiling charity, ang Muntinlupa City Animal Pound.

Pinagpa-planuhan ngayon ni Ronnie ang kanyang magiging comeback project na siya rin ang susulat, magdidirek at magpu-produce pero bukas umano siya sa ibang proyekto bilang actor na iba ang director at producer.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE