Budol

Veterans, ipinagtanggol si Hipon Girl… Herlene, professional — Chanda at Sandy

June 18, 2023 Vinia Vivar 419 views

Sinagot ni Herlene Budol ang kumakalat na tsika na cause of delay siya sa taping ng Magandang Dilag dahil mas inuuna pa niya ang kanyang ibang commitments.

Ayon sa Binibining Pilipinas 2022 first runner-up, hindi naman maiiwasan na may mga commitment siya sa labas pero maayos naman daw itong nai-schedule.

“Hindi naman po maiiwasan ‘yung mga ganu’ng bagay. Give and take naman po kami sa mga taping, schedule, sa mga ibang lakad ba. ‘Yung mga outside world naman na schedule, obligasyon din naman kasi ‘yun,” paliwanag ni Herlene sa mediacon ng Magandang Dilag.

Pero hindi raw siya nagiging cause of delay sa set.

“Wala naman pong issue. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung mga laging write-up tungkol sa akin. Pero happy po ako, salamat po ng marami sa mga nagra-write-up po sa akin. Good or bad, publicity is still publicity,” she said.

Maging ang mga co-star ni Herlene sa serye, partikular na nga ang veteran stars na sina Chanda Romero at Sandy Andolong, puring-puri ang professionalism at dedication ng dalaga sa trabaho.

Ayon kay Chanda, first meeting pa lang niya kay Herlene ay alam na niyang hindi siya mahihirapan na makatrabaho ito.

“Kahit na wala siyang tulog, kahit pagod na pagod siya, she had so many things on her plates. I love her also because she respects her colleagues, she respects our time, our effort, she knows that this is a craft. Hindi talaga ako mahihirapan sa kanya. I like her from the very start and I just like her even more,” sabi ni Chanda.

Kapag nate-take 2 nga raw ang dalaga ay iiyak na sa kanya dahil sa sobrang hiya at panay ang sorry.

Ayon naman kay Sandy, hindi talaga mahirap mahalin si Herlene dahil napaka-marespeto nito at gustung-gusto niya ang pagka-real and honest nito.

Samantala, first lead role teleserye ni Herlene ang Magandang Dilag at naging emosyonal nga siya habang nagpapasalamat sa GMA-7 sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Magsisimula na sa June 26 ang Magandang Dilag. Mapapanood ito weekdays at 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime and Pinoy Hits.

Kasama rin sa cast si Benjamin Alves bilang leading man, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE