Vendor GOTCHA SA BOTCHA–Ang suspek na natimbog sa pagtitinda ng hinihinalang double dead na karne o botcha ng mga operatiba ng DID- SMaRT Team ng Manila Police District at Veterinary Inspection Board Enforcement Squad ng Manila City Hall. Kuha ni Jon Jon Reyes

Vendor na gotcha sa botcha

December 19, 2023 Jonjon Reyes 185 views

Vendor1NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9296 (Meat Inspection Code of the Philippines) at Republic Act 10611 (Food Safety Act of 2013) ang 45-anyos na vendor ng maaktuhan na nagbebenta ng botcha o double dead na karne sa Blumentritt, Maynila noong Linggo.

Natimbog sa Pedro Guevarra St., Brgy. 364, Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila ang suspek na si alyas Edler, 45, ng Brgy. Balong Bato, Quezon City.

Iniutos ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng District Intelligence Division 2, Special Mayor’ s Reaction Team (DID-2 SMaRT), sa kanyang mga tauhan na respondehan ang reklamo ni Denis Noble, isang meat inspector/Wildlife Enforcement Officer, tungkol sa nagbebenta ng botcha.

Kumilos ang mga operatiba at sinalakay ang nasabing lugar at napatunayang positibo sa mga double dead na karne ang paninda ng suspek.

Umabot sa 6 na pirasong hinihinalang double dead meat at tinatayang humigit-kumulang 300 kilo ang timbang na nakumpiska ng mga operatiba ng DID2-SMart.

Sinuri ni Dr. Nicanor Santos, Jr., officer-in-charge ng Veterinary Inspection Board at hepe ng Enforcement Squad ng Manila City Hall, at sinabing positibo ngang double dead ang mga karne.

Nabatid ng pulisya na wala ding business permit at barangay permit para makapagtinda ang suspek.

AUTHOR PROFILE