BINI

Usapang pag-ibig hatid ng BINI sa bagong online show

July 9, 2023 Ian F. Fariñas 240 views

Kwentong pag-ibig at pananaw sa pakikipagrelasyon ang bubungad sa mga makikinig ng Podcast Ng Mga Walang Jowa, ang bagong online show ng P-pop group na BINI na napapakinggan sa Spotify.

Sa unang pagkakataon, pahinga saglit ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna at Sheena sa paghahatid ng musika at bigating performances sa kanilang podcast na tungkol sa buhay pag-ibig.

Para kay Aiah, ito ay “parang very taboo siya, ‘di ba, to talk about for our ‘idol life.’”

Samantala masaya naman si Jhoanna sa pagkakataon na ma-normalize ang usapin tungkol dito.

Aniya, “Masaya kasi nabigyan tayo ng chance. Let’s normalize this topic. Yes, idol tayo, pero tao rin tayo, nai-in love rin tayo.”

Inaanyayahan ang lahat na makinig sa kanilang kwentuhan na para sa kanila ay maituturing na break mula sa kanilang busy schedule.

“We’re used to singing and dancing and moving around, (but) this time it’s more laidback,” ani Aiah.

“Usap lang talaga. Parang wala tayong audience. It’s just you and me,” diin naman ni Jhoanna.

Sa unang episode na pinamagatang “Sino ang TOTGA mo?,” nagbigay ng kani-kanilang kahulugan sa pag-ibig sina Jhoanna at Aiah at nagbahagi rin si Aiah tungkol sa kanyang TOTGA experience.

Tampok naman sina Colet at Maloi sa pangalawang episode na sinubok sagutin ang tanong na “Ano ang pinagkaiba ng old school love sa Gen Z love?”

Sina Sheena at Gwen naman ang nagkwentuhan tungkol sa toxic relationships sa ikatlong podcast episode na pinamagatang “Are you gaslighting me?”

Noong Huwebes, pinangunahan nina Mikha at Stacey ang bagong episode na “So, ano tayo” at pinag-usapan ang mga makabagong salita na may kaugnayan sa pakikipagrelasyon ngayon, tulad ng ghosting, situationship, zombieing at iba pa.

Makisali sa kwentuhan ng BINI girls sa Podcast Ng Mga Walang Jowa na napapakinggan na ngayon sa Spotify.

Abangan ang bagong episodes sa Spotify tuwing Huwebes, 10 a.m.

Mapapakinggan din ang podcast sa BINI Official channel sa YouTube.

AUTHOR PROFILE