Paolo

Papremyo at sustento isyu, ‘kabobohan’ para kay Paolo

July 9, 2023 Vinia Vivar 188 views

Hindi na napigilan pa ni Paolo Contis ang sarili at sinagot ang mga basher na patuloy siyang hinuhusgahan at binabato ng kung anu-anong mga akusasyon.

Sa panayam ni Paolo kay Ogie Diaz, isa sa mga sinagot niya ay ang pagkuda ng ilang netizens na namimigay siya ng papremyo sa Eat Bulaga gayung hindi masustentuhan ang mga anak.

“‘Yung nagbibigay ng papremyo, hindi ko naman pera ‘yun, eh. Pera ng production ‘yun. Nakikita n’yo bang galing ‘yan sa bulsa ko?” tanong ni Paolo.

Aniya, natatawa na lang siya sa akusasyong ito but at the same time ay parang kabobohan lang.

“Tawang-tawa ako sa konsepto na ‘yun. Ang daming naniniwala na ‘kung makapagbigay ka ng papremyo…’ Akin? Pera ko? Budget ng show ‘yun, eh.

“Alam mo ang pangit ng sasabihin ko, maaano na naman ‘to pero ‘pag nakikita mo ‘yun, ‘nagbibgay ng papremyo, ganyan-ganyan… bobo!” aniya.

“Wala po akong pinatatamaan ah, pero I hope you get the point. Eat Bulaga budget siya, hindi siya akin,” paglilinaw ng aktor.

AUTHOR PROFILE