Ashmatt

Pag-aampon ni Sarah ng mga ligaw na pusa, kinontra ni Matteo

July 9, 2023 Vinia Vivar 257 views

Just like Nadine Lustre, advocacy din ni Sarah Geronimo ang animal welfare at ilang taon na rin siyang hindi kumakain ng karne.

Ang mister nga niyang si Matteo Guidicelli ang nagkwento nito nang magkaroon sila ng mediacon for Sun Life Insurance kamakailan.

“Sarah is very, very passionate with animals, animal welfare. She started getting involved with this foundation called AKF, Animal Kingdom Foundation, so basically, their whole messaging is to stop animal cruelty,” pagbabahagi ni Matteo.

Ipinaglalaban daw ni Sarah ang karapatan ng mga hayop at tinututulan nito ang dog meat trade. Hindi lang actually dogs kundi pati na rin ang iba pang animals tulad ng kabayo, atbp.

Ganito rin ang pananaw ni Nadine. Sa kanyang latest interview nga, aniya, “I love animals so much. I don’t like how you butcher them so you can consume them and it’s just like five minutes of pleasure for your taste buds. After that, wala na.”

Anyway, may nakakaaliw din na kwento si Matteo tungkol sa pagmamahal ni Sarah sa mga hayop.

“Last week we were in Batangas in Tita Susan Enriquez’s farm. Going back home, she saw two kittens on the road and she said, ‘Love, tigil tayo, kunin natin.’ I told her, ‘Huwag, merong may-ari niyan,’” tsika ni Matteo.

Itinabi na lang daw nila ang mga pusa sa gilid ng kalsada pero nang paandar na sila ulit ay bumalik ang mga ito sa gitna kaya nag-insist daw talaga si Sarah na kunin na nila ang mga pusa dahil baka masagasaan.

“So, kinuha namin. We brought them to our friend in Batangas who really rescues cats,” anang aktor.

Ang gusto pa nga raw mangyari ng misis niya ay ampunin nila at dalhin sa bahay ang mga pusa.

“At first, she wanted the cats for our house. We already have five dogs and two cats. Sabi ko, ‘love, I think, that’s a little too much,” sey ni Matteo.

AUTHOR PROFILE