Default Thumbnail

‘Unity Ride for Team Pamilyang Malabonian’ inlunsad ng Malabon riders

December 3, 2021 Edd Reyes 220 views

MAHIGIT 500 riders ang nagsagawa ng isang “Unity Ride for Team Pamilyang Malabonian (TPM) upang ipakita ang kanilang suporta kay Malabon City Councilor Jose Lorenzo ‘Enzo’ Oreta na kandidato bilang alkalde ng Lungsod sa darating na Halalan 2022.

Kabilang sa mga nag-organisa nito ay ang mga Rider Groups na Kalye Sais Riders Club, Pwersa Riders Club, Dac Riders, 247 Riders ARPG, Lote Riders, Malabon 155 Club, ACP, Sr. Amigo Community Riders Group, EVO Riders Club Philippines.

“Kami ay nakikiisa para maipakita ang suporta namin kay Kaasenso Enzo Oreta, para sa kanyang pagtakbo bilang bagong mayor ng mga Malabonian,” saad ni Raymond Gabriel mula sa Kalye Sais Riders Club.

Ayon naman kay Beng Cea ng ACP, malaki ang kanilang pasasalamat sa TPM at buo rin ang kanilang suporta sa lahat ng kandidatong kasama ni Oreta sa Team Pamilyang Malabonian slate.

Ayon naman kay Konsehal Enzo Oreta, pinapahalagahan niya ang pagtitiwala ng mga rider groups sa kanya. “Nakatataba po ng puso ang inyong suporta hindi lang sa akin, kundi sa buong TPM. Asahan po ninyo na kaisa niyo kami sa pagsusulong ng inyong layunin na ituloy ang pag-asenso ng bawat Pamilyang Malabonian!”

Bukod sa Unity Ride ng riders group, matatandaang nitong buwan ng Oktubre; noong filing ng certificate of candidacy, naghayag ang Proud Malabonian Movement na binubuo ng iba’t ibang sektor sa Lungsod upang suportahan din si Enzo Oreta sa kanyang pagtakbo.

Ang TPM ay binubuo nina Councilor Jose Lorenzo ‘Enzo’, Vice Mayor Ninong Dela Cruz, Malabon Representative Jaye Lacson-Noel at kasama din dito sina Gerry Bernardo, Jimmy Dumalaog, Jap Garcia, Nino Lacson-Noel, Pao Oreta at Joey Sabaricos na tatakbong Konsehal sa District 1, at Ambet Bautista, Dado Cunanan, Jasper Cruz, Balot Lim, Peng Mañalac, Len Yanga na tatakbo naman sa pagkakonsehal ng District 2.

AUTHOR PROFILE