TVJ1

TVJ at Dabarkads balik-‘Eat Bulaga’

December 6, 2023 Aster Amoyo 162 views

MASAYANG-masaya ang Tito, Vic & Joey kasama ang orig na Dabarkads dahil sila ang kinatigan ng Intellectual Property Office (IPO) as to the real owners ng titulong “Eat Bulaga” sa halip na ang TAPE, Inc. office na siyang producer ng longest-running noontime show since 1979.

It was Joey de Leon of TVJ ang nag-coin ng titutlong “Eat Bulaga” na siya namang in-approve ng may-ari ng TAPE office, ang businessman at dating politician na si Romy Jalosjos.

Although nasa bakuran na ng TV5 ang TVJ with their new noontime program na “E.A.T.,” nag-file ng complaint ang tatlo sa tanggapan ng IPO for copyright infringement and unfair competition para ipaglaban ang trademark na “Eat Bulaga” na kanilang pag-aari.

Pero nakatakda umano itong i-apela ng TAPE, Inc.

Dahil sa naging desisyon ng IPO, walang choice ang TAPE, Inc. kundi palitan ang titulong “Eat Bulaga” sa kanilang tumatakbong programa sa GMA at tiyak na papalitan na rin ng TVJ ang “E.A.T.” to “Eat Bulaga” ang kanilang pangtanghaling programa.

Malamig na Pasko sa ilang celebrities

KathnielILANG araw na lamang at Pasko na. Pero sa halip na maging masaya ang pagdiriwang ng Pasko ay magiging malungkot ito sa ilang napapabalitang celebrity couples na kamakailan lamang nagkahiwalay.

Magkasunod na kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay na statement sa kanilang respective IG accounts. Kinumpirma rin ng actor na si Elijah Canlas ang break-up nila ng dating kasintahang si Miles Ocampo habang nanatiling tikom pa rin ang bibig ng iba pang napapabalitang hiwalay na umano tulad nina Kim Chiu at Xian Lim, ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang recent break-up nina Kathryn at Daniel na umabot sa 11 taon ang relasyon na pati ibang showbiz personalities ay hindi maiwasang mag-komento about the break-up ng KathNiel.

Alden at Kathryn may future ba?

KathrynKathryn1ANG Kapuso prized actor na si Alden Richards ay dating bahagi ng old “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey kung saan nabuo ang phenomenal loveteam nila ni Maine Mendoza nung 2015. Pero bago pa man lumipat ang TVJ sa bago nilang tahanan sa TV5 ay matagal na ring hindi napapanood sa noontime show si Alden dahil sa pagiging busy nito sa kanyang kabi-kabilang project bilang actor.

Who would have thought na maggi-guest si Alden (along with his co-star in “Family of Two” ang megastar na si Sharon Cuneta) sa katapat na programa ng dati niyang kinaaanibang programa, ang “It’s Showtime” na napapanood na ngayon sa sister station ng GMA, ang GTV.

Aminado si Alden na malaking karangalan para sa kanya na siya’y nakapag-guest sa “It’s Showtime” na pinangungunahan ni Vice Ganda na tuwang-tuwa rin sa guesting nina Sharon at Alden sa programa to promote their movie together.

Bukod kay Alden, marami na ring Kapuso stars and talents ang nakapag-guest na sa “It’s Showtime” na katapat ng “Eat Bulaga” ng GMA.

Speaking of Alden, marami itong fans ang umaasa na sana’y sila na ng kanyang “Hello, Love, Goodbye” co star na si Kathryn Bernardo ang magkatuluyan ngayong break na ang Kapamilya star kay Daniel Padilla at wala namang girlfriend hanggang ngayon ang Kapuso actor.

Maudyukan kaya si Alden na ligawan si Kathryn ngayong single na ito?

Ken at Rita nananatili ang friendship

KenSA kabila ng pagkakabuwag ng kanilang tambalan, nananatili pa ring close na magkaibigan sina Ken Chan at Rita Daniela na magkasama sa Sunday musical variety show ng GMA, ang “All Out Sundays”.

Last December 2 si Ken ay isa sa sumuporta sa “Queendom: Live Concert” kung saan kabilang si Rita. Ito’y ginanap sa Newport Performing Arts Theater. Backstage ay sinorpresa ng Kapuso singer-actor at entrepreneur si Rita bagay na pinasalamatan ng huli. Marami pa rin sa kanilang mga fans ang umaasa na muling pagsamahin ang dalawa sa isang TV project. Ang dalawa ay nagtambal sa ilang successful series tulad ng “My Special Tatay,” “One of the Baes” at “Ang Dalawang Ikaw”. Nagsama rin ang dalawa sa “The Clash” maging sa 2021 Metro Manila Film Festival movie na “Huling Ulan sa Tag-araw”.

It was in September 2022 nang i-announce ni Rita na siya’y nagdadalang-tao sa kanyang first baby courtesy of her non-showbiz na ex-boyfriend na niya ngayon. December 22, 2022 naman niya isinilang ang kanyang baby na si Uno who will be celebrating his first birthday sa darating na December 22.

Magkaroon kaya ng part 2 ang muling pagtatambal sa isang TV series ang RitKen?

Matteo umaasa ng patawad mula sa magulang ni Sarah

SarahUMAASA ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na sila’y mabibiyaan na ng anak sa darating na 2024. Pareho nang handa ang celebrity couple na magkaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya at isa ito ngayon ay inaasam ng mag-asawa.

Sarah and Matteo will celebrate their 4th wedding anniversary on February 20, 2024 matapos ang kanilang controversial February 20, 2020 intimate wedding ceremony na ginanap sa Victory Church in Taguig City officiated by Pastor Paolo Punzalan na siyang naging mitsa ng gap between Sarah and her parents. Although okey na umano ang relasyon ni Sarah with her family, hindi pa rin umano ayos ang relasyon ni Matteo with Sarah’s family. Pero naghihintay lamang ang Fil-Italian singer, actor at entrepreneur na siya’y matanggap ng mga magulang ng kanyang misis.

Malu nananawagan ng tulong

MaluNANANAWAGAN ng financial help ang veteran singer-actress na si Malu Barry na may stage 3 cervical cancer na sumasailalim ngayon ng chemotherapy at radiation at iba pang procedure.

Hindi ikinakaila ni Malu na financially drained na umano siya at hindi nito ikinakaila na humihingi na siya ng tulong pinansyal sa kanyang mga kasamahan sa industriya dahil matagal-tagal pa na gamutan ang kanyang kakaharapin.

It was only last March nang siya’y ma-diagnose sa kanyang sakit at nagsimula naman siyang sumailalim ng chemotherapy at radiation last October.

A single parent to her five children, umaasa ang singer-actress na madudugtungan pa ang kanyang buhay lalupa’t nag-aaral pa ang kanyang bunsong anak.

Ang panganay na anak ni Malu na isang lalaki ay sumakabilang-buhay nung 2010 matapos itong mahagip ng isang rumaragasang sasakyan habang ito’y naglalakad in Cebu. Bago ito pumanaw ay walong buwan ito sa pagamutan in Cebu kung saan nagpabalik-balik ang singer-actress dahil nasa Maynila ang kanyang trabaho.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Followbme on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE