Cornerstone

TV5, Kumu at Cornerstone, sanib-pwersa sa talent search

March 1, 2022 People's Tonight 497 views

Patuloy na pinapalawak ng Kapatid Network ang kanilang platform para sa de-kalibreng content sa pamamaraan ng mga content partnership.

Sa pamamagitan ng Cignal Entertainment (na nasa ilalim ng Cignal TV), nakipag-partner ang TV5 sa Kumu at Cornerstone Entertainment para sa Pinoy pop group talent search na Top Class, The Rise to P-Pop Stardom.

Ang contract signing ay naganap sa TV5 Launch Pad na dinaluhan ng entertainment giants: Kumu Commercial Chief Officer Paolo Pineda, Cornerstone Entertainment President Erickson Raymundo and Vice President Jeff Vadillo and Cignal Entertainment/TV5 President and CEO Robert Galang.

Hinost ito ni Markki Stroem.

Ang Top Class ay isang orihinal na talent hunt survival series na susubaybayan ang mundo ng mga susunod na lalaking superstar at ang kanilang paglalakbay patungo sa kasikatan at tagumpay sa showbiz.

Ibibida nito ang mga batang aspirant na dadaan sa iba’t ibang pagsubok sa kanilang husay at galing para makamit ang inaasam na premyo, ang maging susunod na Filipino Boy Idol Group.

Sa tatlumpung aspirant na sasabak sa kompetisyon, lima lang ang makakalusot at magkakaroon ng tsansa na pangunahan ang bagong henerasyon ng mga Pinoy talent.

Wala pang dalawang taon pagkatapos bumalik ng TV5 sa entertainment production, patuloy itong nagbibigay ng platform sa premium content dulot ng mga content partnership.

Ang pagsasama ng kanya-kanyang galing at forte ng TV5, Kumu at Cornerstone Entertainment sa larangan ng entertainment ay sisiguruhing magiging patok at kaabang-abang ang palabas na ‘to.

Ang Top Class ay iisa lamang sa mga programa na iaalay ng TV5 sa summer ng 2022.

Ibibida rin ng programa ang iba-ibang host at mentor na kilalang-kilala sa industriya.

Sila ang makakasama ng mga aspirant sa kahabaan ng kompetisyon. Magkakaroon din ng iilang sorpresa na bisita ang programa.

“Coming from a talent management perspective, we’ve handled a lot of some of the country’s biggest stars. And, through this show, we aim to get to create you know, the future of P-pop icons.

That’s the goal. With proper training and with the experience that we have in terms of like discovering talents and honing and training them, we feel that we have a good chance of really raising up the future of P-POP through this show,” ani Cornerstone Entertainment Vice President Jeff Vadillo.

Abangan ang drama at pagkalalabay ng mga aspirant na nangangarap maging bahagi ng susunod na P-Pop boy group sa Kapatid Network, TV5.

AUTHOR PROFILE