Reyna

Pagsasama ng mga ‘Reyna’

March 1, 2022 Vinia Vivar 712 views

Nakakainggit ang saya nina Bea Alonzo at mga kaibigang sina Angelica Panganiban, Anne Curtis, Angel Locsin at Dimples Romana sa latest IG post ng una.

Nag-post si Bea ng larawan na magkakasama sila sa isang reunion last Sunday.

Sa caption ay pinasalamatan pa ni Bea sina Angel at mister na si Neil Arce for hosting the said reunion.

“Sunday fun day!! Reunion with my favorite girls! Grabe, namiss ko kayo sobra!! Thanks, Gel and Neil for hosting!” caption ni Bea.

Kasama rin nila, of course, ang kani-kanilang partner.

Makikita sa isang photo na naroroon ang boyfriend ni Bea na si Dominic Roque, ang bf ni Angelica na si Gregg Homan and, of course, si Neil.

Hindi lang namin alam kung kasama nina Anne at Dimples ang kani-kanilang asawa dahil wala silang larawan.

Sumagot si Angel sa comment section ng “missed you guys so much!”

Komento naman ng isang netizen, “Nagsama sama ang mga Reyna (heart emojis). I love you all.”

Needless to say, pinusuan ng mga netizen ang naturang post at halos iisa ang komento nila, “ang gaganda!”

AUTHOR PROFILE