Crime

Tulog binaril, sa langit na magigising

August 27, 2023 Gil Aman 274 views

HINDI na nagising ang isang lalaking tulog nang barilin Sabado ng gabi ng hindi nakilalang suspek sa Purok 4 Bgy. Bitin, Bay, Laguna.

Pansamantalang hindi pinangalanan ng pulisya ang biktima na namatay dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.

Tanging si Efren Maghirang Ilagan, na nasa loob ng bahay kasama ang iba pang kasambahay, ang saksi nang pumasok ang hindi kilalang suspek na nakasuot ng dilaw na hood para barilin ang biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Hindi pa rin mabatid ng Bay police ang motibo ng pagpatay.

AUTHOR PROFILE