Truck

Truck nawalan ng kontrol, sumalpok sa island

November 10, 2023 Dennis Abrina 231 views

IMUS CITY, Cavite–Isang 18-wheeler trailer truck ang sumalpok sa center island sa Imus, Cavite nang mawalan ng kontrol ang driver noong Biyernes.

Nangyari ang pagsalpok dakong alas-4:10 ng umaga sa northbound lane ng Emilio Aguinaldo highway sa Barangay Tanzang Luma VI at Patindig Araw, Imus, Cavite.

Rumesponde ang Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Traffic and Management Unit at City Engineering Office para maalis ang bumanggang truck. Tuluyang naalis ang truck bandang alas-9:00 ng umaga.

Walang nasaktan sa nasabing insidente pero lumikha ng matinding trapik sa lugar.

AUTHOR PROFILE