Default Thumbnail

Van vs multicab: 5 tigok, 11 sugatan

November 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 163 views

LIMA ang patay at 11 ang malubhang nasugatan sa banggaan ng multicab at van noong Huwebes sa Barangay Guindapunan, Palo, Leyte.

Nakilala ang tatlo sa mga nasawi na sina Rochielle, Christina at Mario at 17-anyos na babae at 16-anyos na lalaki ang dalawa.

Isinugod sa Eastern Visayas Medical Center at Leyte Provincial Hospital ang mga nasugatang biktima.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO)-8, magkakaanak ang mga nasawi na sakay ng multicab mula sa Tacloban City at papunta sana sa simbahan ng Iglesia ni Cristo sa Palo, Leyte nang maganap ang aksidente.

Binabagtas ng multicab ang highway nang mabangga sa kasalubong na van na nagmamaniobra sa kaliwang bahagi ng kalsada.

Ayon sa report, dead-on-the spot ang limang pasahero ng multicab dahil sa lakas ng impact ng banggaan at wala namang namatay sa mga sakay ng van.

Kabilang sa mga nasugatan sina Dario Biros Daroy at Dario Idara Daroy, 55. Pasahero din ng multicab ang dalawa.