Default Thumbnail

Rizal PNP tutok sa mga krimen

November 10, 2023 Jojo C. Magsombol 167 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I, GERONIMO, Bgy. Dolores, Taytay, Rizal–Nagbunga sa pagkaka-timbog ng mga kriminal ang mga operasyon ng Philippine National Police (PNP)-Rizal.

Ayon kay Police Colonel Felipe Maraggun, provincial director ng lalawigan, layunin nila na masawata ang mga illegal na gawain katuwang ang komunidad at lokal na pamahalaan.

Pito ang naaresto sa apat na operasyon kontra sa illegal na droga at nasabat ang tinatayang 24.36 na gramo ng shabu na may value na P168,084.

Kamakailan, apat na operasyon ng mga pulis sa Rizal kontra sa illegal na sugal na nagresulta sa pagkakaaresto ng 13 katao at pagkakakumpiska ng P1,889 bet money.

Muling nagpaalala ang Rizal police na umiwas ang mga mamamayan sa illegal na gawain at makilahok sa programang Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

AUTHOR PROFILE