Default Thumbnail

Triker binoga sa Tondo, dedo

April 10, 2023 Jonjon Reyes 328 views

DEAD on the spot ang isang 59-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek lulan ng isang motorsiklo at mabilis na tumakas sa Balut, Tondo, Maynila Lunes ng madaling araw.

Ayon kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, ang biktimang trike driver ay may ka-live-in, ng Tondo, Maynila.

Ayon sa report ni PSSgt. Irene Jay Manalili, bandang 2:30 ng madaling araw (Abril 10) ng ratratin ang biktima sa panulukan ng Nepa at Rodriguez Streets sa Balut, Tondo.

Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang suspek na lulan ng Yamaha scooter ang mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.

Ayon kay P/Capt. Rex Malansing ng MPD Forensic Unit (SOCO), batay sa salaysay ng mga saksi, nakasakay ang biktima sa kanyang nakaparadang tricycle ng biglang sumulpot ang “riding in tandem” at ang back ride nito umano ang tumodas sa biktima.

Ang labi ng biktima ay dinala sa Cruz Funeral para sa awtopsiya at patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

AUTHOR PROFILE