Default Thumbnail

Trike driver nagbigti sa Sampaloc

September 27, 2022 Jonjon Reyes 218 views

ISANG tricycle driver ang natagpuang nakabitin at wala nang buhay makaraang wakasan nito ang kanyang buhay sa Sampaloc, Maynila, Lunes ng gabi.

Naisugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima subalit idineklarang “dead on arrival” ng attending physician.

Base sa ulat na isinumite kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 10:45 ng gabi nang madiskubre ng isang saksi ang biktima na nakabigti gamit ang kulay asul na garrison belt.

Kaagad naman ipinaalam sa ina ng biktima ang nangyari sa anak kaya pinagtulung-tulungan na putulin ang sinturon at isinugod ang biktima sa pagamutan pero hindi na ito umabot ng buhay.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima ng bandang 5:00 ng hapon na nakaupo sa kanyang silid at matinding inuubo.

Wala naman alam na dahilan ang ina ng biktima na problema ng anak para kitilan ang sariling buhay nito.

Tumanggi na ang mga kaanak ng biktima na paimbestigahan pa ang pagkamatay nito dahil naniniwala silang walang “foul play” sa insidente.

AUTHOR PROFILE