Crime

Tricycle driver tigok sa pamamaril

March 24, 2024 Gil Aman 91 views

PATAY matapos barilin ang tricycle driver ng hindi kilalang suspek noong Sabado sa Service Road ng Elepeño 2 Brgy. 3, Calamba City, Laguna.

Kinilala ni P/Lt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, ang biktima na si Enrique Opeña Upstairs.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa hindi mabatid na uri ng baril.

Dead-on-the spot sa pinangyarihan ng pamamaril ang biktima, ayon sa mga pulis.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-5:20 ng hapon ng dumating ang suspek sa lugar at pinagbabaril agad ng suspek ng abutan sa Brgy. Tres.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sa bahagi ng Brgy. Letheria.

AUTHOR PROFILE