Alvarado

Trimodal project ng Bulacan makakatulong sa bansa

January 13, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 372 views

IPINAGMALAKI ni Bulacan Vice Gov. Wilhelmino M. Sy Alvarado ang isinusulong na trimodal project na maghahatid ng ibayong progreso sa Bulacan hanggang sa buong bansa.

Sa ilalim ng trimodal project, gagawin sa Bulacan ang tatlong higanteng imprastaktura na kinabibilangan ng land port, seaport, at airport.

“This is ten times bigger than the NAIA. There will be 200 hectares were all national government buildings, departments and agencies buildings will be relocated and there will be economic zone were almost 100 corporation will locate. Three of them na ang nagpahayag na kanilang i-transfer ang kanilang regional headquarter–ang LG, Faxton and Samsung with 150,000 employees each, near 450,000 or almost half million out of 100 corporations,” dagdag ni Alvarado.

Matagal nang sinisimulan ang airport.

Aniya, magkakaroon rin ng mega dike, flood control at palalawakin ang ilog nang doble pa sa lapad ng pamosong Swiss Canal.

Sinabi ni Alvarado na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay kumbinsido na malaki ang maitutulong ng tri-modal project sa Bulacan upang ganap na makabangon ang ekonomiya ng bansa kaya pinakusapan siya nito kasama si dating Bulacan Gov. Jonjon Mendoza na tumakbo para ipagkatiwala sa kanila ang lalawigan ng Bulacan.

Habang mangyayari ang progreso sa pamamagitan ng tri-modal project, sinabi ni Mendoza na kailangan ding tiyakin na mahusay ang mga magtitimon sa proyekto at hindi bagito.

AUTHOR PROFILE