Kim

Travel vlogs kasama si Kim, burado sa YT channel ni Xian… pag-comfort ni Vice sa aktres, nag-viral

December 12, 2023 Vinia Vivar 138 views

Sa gitna ng balita tungkol sa pagbura ni Xian Lim ng travel vlogs nila ni Kim Chiu sa YouTube channel niya, nagbigay ng comforting message si Vice Ganda para sa aktres.

Sa “EXpecially for You” segment ng It’s Showtime, ipinakita ni Vice ang suporta kay Kim nang bigla siyang magbigay ng meaningful message sa aktres.

“Maganda ka, mabuti kang tao, maganda ang mukha mo, maganda ang puso mo. You deserve the best. You deserve love,” sey ni Meme Vice kay Kimmy.

Pagkatapos nito ay niyakap niya nang mahigpit si Kim.

Nag-viral agad ang eksenang ito at nag-trending sa X ang topic na “Mahal Ka Namin Kim Chiu.”

Ilang linggo na ring pinagpipistahan ang balitang hiwalay na sina Kim at Xian after 11 years.

Hanggang ngayon, wala pang pahayag ang dalawa tungkol dito.

Samantala, binura na nga ni Xian ang halos lahat ng travel vlogs nila ni Kim sa kanyang YouTube channel.

Unang napabalita na nagbabawas ng content ang aktor at napansin ng netizens na nawala ang ilang travel vlogs nila ni Kim.

Kahapon, nagulat na lang ang lahat na three videos at two shorts lang ang tinira nito.

Kahapon, Dec. 12, isang video at two shorts na lang ang makikita sa channel ni Xian. Lahat ito’y solo lang niya at wala si Kim.

Kapuna-puna rin na sa Instagram ng aktor ay naka-disable ang comment section kaya hindi siya matanong ng kanyang followers tungkol dito.

Samantala, nananatili namang ganu’n pa rin ang YT channel ni Kim at naroroon ang lahat ng videos niya with Xian.

Inaabangan ngayon kung buburahin ba ito ng aktres.

Bumuhos naman ang simpatiya kay Kim sa IG.

“Niremove na ni Xian vlog nya kasama c Kim alam na… goodluck Kim be happy and strong pakiremove nrn pic ni Xian sa IG mo HAHA.

paladisisyon ako eh. labyou kimmmy,” komento ng isang netizen.

“Love you Kimmy!!! Nag unsubscribe ako dun sa nagreremove ng video. ikaw lang talafa pinapanuod ko dati dun. more blessings ang Godbless,” sey naman ng isa niyang follower.

“Ok ka lang Kim?? dinelete na ni xian yung mga vlogs neo sa youtube. pakatatag ka Kim. we’re here for you,” mensahe ng isa niyang fan.

AUTHOR PROFILE