Dennis

Dennis, Jennylyn at Dylan, may Covid!

December 12, 2023 Vinia Vivar 92 views

Sa kanta idinaan ni Dennis Trillo ang pagbabalita na nagpositibo siya sa COVID-19, gayundin ang misis na si Jennylyn Mercado at ang anak nilang si Dylan.

Nag-post si Dennis ng video habang inaawit ang kanta na obviously at siya ang nag-compose. May titulo ang awitin na “Gamutin Natin ‘To.”

“Covid is back, guys!” ang caption ng akttor.

Narito ang lyrics ng awitin:

“Oh, ito na nga, tinamaan din ako. Akala ko’y hindi na tatablan nito. Ba’t nag-positive ako? Gamutin na natin ito.

“May bago na ngang uso. Pati na ang misis ko… May COVID kaming tatlo.”

Sa comment section ay dumagsa naman ang get well soon wishes para mag-asawa at sa kanilang baby.

Seeing Dennis na mukhang okay naman at nakakakanta pa, hopefully, mild lang ang virus na dumapo sa kanila.

Sana’y gumaling na sila bago mag-Pasko.

AUTHOR PROFILE