DMW Source: DMW

Travel agency na may P350K ‘processing fee’ kandado sa DMW

March 18, 2024 Jun I. Legaspi 194 views

ISINARA ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Lunes ang isang travel agency na umano’y illegal na nagre-recruit ng mga Filipino workers para sa bogus na trabaho sa Poland kapalit ng processing fee na umaabot sa P350,000.

Naka-kandado na ang Tranvia Travel Agency sa P. Tuazon Boulevard, Cubao, Quezon City ng magkasanib na pwersa ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) at Quezon City Police.

“We would like to recognize the efforts of our Filipino community in Poland which called the attention of our Migrant Workers Office in Prague (MWO-Prague) to investigate these illegal recruitment activities.

Without their help, we would not have thwarted Tranvia Travel’s illegal activities,” sabi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac.

Ayon sa DMW, ginagamit ng nasabing travel agency ang Facebook at WhatsApp para makapangakit ng mga posibleng aplikante. Walang lisensiya at authority galing sa DWM ang nasabing travel agency.

Umaabot sa P80,000 hanggang P100,000 ang ipinapangakong sweldo ng agency bilang mga Warehouseman, factory workers at nurse para sa mga pekeng trabaho sa Poland.

Ayon pa sa MWPB, ipinakikita ng kanilang surveillance operations ang agency na sinisingil sa kanilang mga posibleng kliyente ang P200,000 hanggang P350,000 bilang processing fee.

Pwedeng bayaran one-time o staggered, payable ng 3 beses at non-refundable, ang processing fee.

Ayon sa DWM ang mga opisyales at personnel ng travel agency ay nahaharap sa kasong illegal recruitment at blacklisted na ito sa at hindi na pwedeng sumali pa sa anumang government’s overseas recruitment program.

Pang-apat na ito sa mga illegal recruitments na ipinasara ng DMW na illegal na nagsasagawa ng recruitments na mga Filipino na gustong mag trabaho sa abroad.

Hinikayat ng DMW ang mga aplikante na nabiktima ng nasabing travel agency na pumunta sa kanilang opisina at magsampa ng kaso laban sa nasabing agency.

Pwede rin ma contact ang MWPB sa pamamagitan ng kanilang Facebook page at https://www.facebook.com/dmwairtip at sa e-mail [email protected].

AUTHOR PROFILE