Tansingco

4 na Pinay nailigtas mula sa human trafficking gang

April 22, 2024 Jun I. Legaspi 208 views

Recruiter nakilala sa WeChat

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na Pinay mula sa human trafficking syndicate makaraan silang kontratahing manilbihan bilang waitresses sa China.

Naharang ang apat na pansamantalang hindi pinangalanan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang magprisinta ng mga dokumento bilang turista patungong Hong Kong.

Ang mga Pinay ay nabiktima umano ng isang Taiwanese woman na nakilala nila sa WeChat at pinangakuan sila ng trabaho sa China.

Lumitaw sa imbestigasyon na pinagpanggap ang apat bilang turista at makukuha ang kanilang visa pagdating nila saHong Kong.

“These women were deceived into agreeing into the scheme to work abroad. But in reality, they were being trafficked for exploitation and illegal employment,” saad ni BI Commissioner Norman Tansingco.

“Human trafficking is a heinous crime that preys on the most vulnerable members of society. We will continue to work tirelessly to thwart these criminal activities and bring the perpetrators to justice,” dagdag ni Tansingco.

Ang mga biktima ay na-iturn over na sa inter-agency council against trafficking para sa kaukulang tulong habang ang recruiter ay inirekomenda na para sa blacklisting. Reporter, People’s Tonight

AUTHOR PROFILE