Limit

Trailer ng ‘Limitless, A Musical Trilogy’ ni Julie Anne, pinusuan ng netizens

August 24, 2021 Ian F. Fariñas 304 views

Marami ang nag-abang sa pagpapalabas ng full trailer ng Limitless, A Musical Trilogy ni Julie Anne San Jose nitong Biyernes.

Hindi naman nabigo ang fans ng Asia’s Limitless Star dahil worth the wait ang trailer na nagpasilip kung ano ang mapapanood sa first leg ng trilogy na kinunan sa Mindanao.

Ipinakita rito ang ilan sa magagandang tanawin sa katimugang bahagi ng Pilipinas at ang pasilip sa paglalakbay ni Julie kasama ang locals doon.

Say pa ni Julie nang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang trailer matapos ang TV premiere: “There are many experiences that’s hard to describe. There are a lot of emotions that’s hard to explain. Just like my journey. Mahirap siyang ipaliwanag, mahirap siyang ilarawan. Kaya mas mabuti pa, let me show you.”

Nakipag-bonding din si Julie sa kanyang fans via IG Live kasama ang creative director ng Limitless na si Direk Paolo Valenciano, Myke Salomon at ang director of photography na si JC Gellidon.

Last Friday rin ni-release ang cover ni Julie sa hit song ng Hale na Kung Mawawala Ka at agad itong pinusuan ng netizens.

Nasa top 3 ang kanyang cover sa iTunes Philippines Chart.

Sa September 17 na ang unang leg ng Limitless, A Musical Trilogy at mabibili ang tickets sa www.GMANetwork.com/synergy.

AUTHOR PROFILE