Posas

Tomador na kelot timbog sa boga

December 18, 2023 Jojo C. Magsombol 138 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado ng mga otoridad kamakailan ang isang lalaki nang mahulihan ng baril at bala habang umiinom sa Brgy. Banay-Banay, Lipa City, Batangas.

Nakilalang ang natimbog na si alyas Jeric, ayon sa report ni Batangas police director P/Col. Samson B. Belmonte kay Police Regional Office (PRO)-4A Regional Director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Nasa patrolya ang kapulisan ng Lipa City bandang alas-8:00 ng gabi nang i-report ng isang concerned citizen tungkol sa isang lalaking may sukbit na baril na nakita sa inuman.

Nang matanggap ang impormasyon, agad nagtungo ang mga pulis sa nasabing lugar para i-verify.

Doon nakita ng mga pulis ang lalaki na nahuli sa akto na may dalang cal. .45 na nakasukbit sa kanyang baywang.

Nakumpiska ang cal .45, dalawang magazine, 17 bala, limang cartridge casings para sa cal .45, isang gun holster, sling bag, hand-held radio at iba’t-ibang IDs ng suspek.

AUTHOR PROFILE