PAGASA

30 lugar nasa signal no. 1 dahil kay Kabayan

December 18, 2023 Zaida I. Delos Reyes 138 views

ITINAAS sa no. 1 ang typhoon signal sa 30 lugar dahil sa pananalasa ng tropical depression Kabayan noong Lunes.

Sa inilabas ng bulletin ng Philippine Atmospheric and Geological Sciences Administration (PAGASA) dakong alas-11:00 ng tanghali noong Lunes humina na ang bagyo matapos na mag-landfall sa Davao Oriental.

Kabilang sa mga lugar na nasa siganl no. 1 ang Sofronio Española, Brooke’s Point, Bataraza, Balabac, Rizal, Quezon, Narra sa Palawan kabilang ang Cagayancillo Islands sa Southern Leyte, Leyte; Southern portion ng Eastern Samar kabilang ang Maydolong, City of Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani at Mercedes.

Nasa Signal no. 1 din ang Cebu kasama ang Camotes Islands, Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Oriental, Negros Occidental, Guimaras, Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon, Davao de Oro, northern portion ng Davao Oriental kabilang ang Baganga, Manay, Caraga, Tarragona, Lupon, Banaybanay, Boston at Cateel.

Signal no.1 din ang itinaas sa Misamis Occidental, Lanao del Sur, Lanao del Norte, Davao City, northern portion ng Cotabato kabilang ang Arakan, Carmen, Banisilan, Alamada, President Roxas, Kabakan, Matalam, Antipas, Magpet, Libungan at Pigkawayan.

Signal no. 1 din sa northern portion ng Maguindanao kabilang ang Buldon, Barira, Matanog, Parang, Sultan Kudarat at Sultan Mastura; western at central portion ng Zamboanga del Norte kasama ang Siayan, Sindangan, Jose Dalman, Manukan. Pres. Manuel A. Roxas, Sergio Osmeña Sr., Katipunan, Dipolog City, Polanco, Mutia, Piñan, Dapitan City, Sibutad, La Libertad, Rizal, Siocon, Baliguian, Gutalac, Labason, Kalawit, Tampilisan, Liloy, Salug, Godod at Bacungan.

Itinaas din ang signal no.1 sa Zamboanga del Sur kasama ang Midsalip, Labangan, Tukuran, Aurora, Sominot, Ramon Magsaysay, Tambulig, Dumingag, Mahayag, Josefina, Molave, Vincenzo A. Sagun, Guipos, Dimataling, Dumalinao, Lakewood, Dinas, San Pablo, Tigbao, Tabina, Kumalarang, Lapuyan, Pitogo, Margosatubig, San Miguel, Bayog at Pagadian City; Zamboanga Sibugay, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Surigao del Sur at Agusan del Sur.

Dakong alas-10:00 ng umaga namataan si Kabayan sa Davao Oriental na may dalang pinakamalakas na hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras at pabugsong hangin na nasa 90 kilometro bawat oras.

Inaasahang kikilos si Kabayan sa direksyon ng westward o west northwestward sa susunod na dalawang araw.

Dadaanan ni Kabayan ang Mindanao at Sulu Sea sa Lunes ng hapon o gabi.

Dahil dito, inaasahang lalo pang hihina si Kabayan at maabot nito ang ketegorya bilang low pressure area.

Inaasahan din muling magla-landfall si Kabayan sa Central at Southern Palawan sa Martes ng hapon at dadaan sa Kalayaan Islands sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Samantala, aabot sa 6,723 na tao ang naapektuhan ng magkasamang pananalasa ng TD Kabayan at shear line sa CARAGA region.

Sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 6,370 tao o 2,072 pamilya ang nananatili sa 49 evacuation centers habang nasa 353 tao o 118 pamilya ang nasa labas.

Dalawang bahay din ang naiulat na nasira tatlong lugar sa Caraga region ang nawalan ng kuryente.

Sinuspinde rin ang operasyon sa isang seaport sa Northern Mindanao kung saan nasa 124 pasahero at tatlong barko ang na-stranded.

Nasa 19 work schedules at dalawang klase din ang sinuspinde sa Caraga at Northern Mindanao dahil sa masamang panahon.

Umabot din sa 11,729 tao o 3,428 pamilya ang inilikas sa Caraga at Northern Mindanao.