Tiktok4

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 18, 2023 People's Tonight 570 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok5

@judeaa..aa

Wasinshi

♬ 原聲 – yyt12 – yyt12

@judeaa..aa

Sino lalaban dyan #latolato

♬ som original – É xiaoxiao mona

CROPPED TOP, little waist, perfect body, and beauty. Iyan ang deskripsyon ng kanyang social media followers sa TikTok star na si Judea na patuloy ang pagkinang sa nasabing video-sharing app.

Si Judea Gavia Artogue o mas kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Judea” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 524 thousand followers at 6.2 million likes sa kanyang account na may username na @judeaa..aa. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @judea_only, na mayroon nang 53.6 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page na Judea Gavia Artogue ay mayroong higit 19 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa paggiling sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Isa sa mga pinaka nakapukaw ng atensyon ng netizens na video ni Judea ay ang pagkasa niya sa TikTok challenge na “Wo Xing Shi” dance. Ang nasabing video ng dalaga ay pumalo sa 9.1 million views at halos one million likes. Bukod pa rito, ang pinaka viral na video ng dalaga sa app ay ang nakakatuwang video niya na naglalaro ng lato-lato habang kumakaldag. Pumalo ito ng 14.6 million views at halos one million likes din.

Kasalukuyang nasa kolehiyo ngayon si Judea na nag-aaral sa Batangas State University. Bukod sa pag-aaral, may ilang ine-endorse na produkto si Judea mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Judea sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE