Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

August 20, 2023 People's Tonight 213 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4SA bayan ng Dagupan, Pangasinan, isang pangalang nagbigay-kulay at kinababaliwan ng mga netizen ang sumiklab — si Cholla Choi — ang TikTok sensation na kilala sa kanyang tattoo at makabagong awra.

Kilala bilang “tattooedmoooom” sa TikTok, si Cholla Choi ay mayroong 871.5K followers at 4.1M likes.

Mula sa Dagupan, isang bayan na masasabing hindi gaanong kilala sa mga metropolis, nagawang mapakilala ni Cholla ang kanyang sarili at ipakita sa mundo ang mga talento niya at personalidad.

Ang kanyang Tiktok account ay puno ng kanyang mga kakaibang awra, mga sexy na sayaw, at kahanga-hangang skits.

Naglalaan siya ng oras para sa mga praktis, pag-aaral ng mga bagong sayaw, at pagbuo ng mga ideya para sa kanyang mga videos. Hindi lamang ito simpleng pagpo-post, kundi isang seryosong pag-eeffort na nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa kanyang sining.

Sa isang lipunang pinaliligiran ng mga stereotype at mga mataas na pamantayan, naging inspirasyon si Cholla para sa mga kabataan at mga indibidwal na nais rin magpakatotoo sa kanilang sarili.

Sa pamamagitan ng kanyang mga tattoos, ipinakita niya na ang pagpapakatotoo ay dapat ipagmalaki at hindi itago.

AUTHOR PROFILE