Aljur at AJ, wagas ang sampalan at love scenes sa ‘Sugapa’
FIRST time magsama sa pelikula, ang Sugapa ni Direk Law Fajardo, ng magdyowang Aljur Abrenica at AJ Raval matapos aminin ang relasyon sa totoong buhay.
Matatandaan na una silang nagtambal sa Nerisa ni Direk Law din noong 2021 kung saan sila naging close at tuluyan ngang nagka-inlaban.
Two years later, si Direk Law muli ang direktor nina Aljur at AJ sa Sugapa at bumilib ito sa laki ng improvement nila sa acting.
Sa katatapos na virtual mediacon ng pelikula, nagpasalamat ang direktor sa lead stars niya sa pagtanggap sa sexy action-drama Vivamax Original Movie.
Grabe raw ang naging commitment nina Aljur at AJ sa proyekto kaya naman todo-bigay ang mga ito sa lahat ng ipagawa niya.
Sa istorya, magdyowa rin ang role ng dalawa. Sila sina Anna at Ben, na nangakong hindi mag-iiwanan at sabay na susugal sa mapaghamong buhay sa siyudad.
Pero, susubukin ang kanilang pagsasama ng ilang reyalidad tulad ng issues sa pera, lust, addiction, obsession at hunger for power.
Sa trailer na inilabas ng Viva, makikita kung gaano ka-daring at kainit ang love scenes nina Aljur at AJ.
Nakatulong ang real-life relationship nila para hindi mailang si AJ sa intimate scenes.
May anggulo pa nga na tipong pumayag sa butt exposure scene si Aljur.
Kaya naman ganu’n na lang ang pasasalamat ni Direk Law sa tiwalang ibinigay ng kanyang mga bida sa vision niya bilang direktor ng Sugapa.
Intense naman kung intense ang eksenang sampalan nila ni AJ na sey ni Aljur ay kung ilang beses kinunan ni Direk Law.
“Mga apat na takes ‘ata ‘yon, eh!” anang direktor na kinukontra ni AJ sa pagsasabing take one ang eksena kaya nagkatawanan sila.
Anyway, bukod kina Aljur at AJ, nasa cast din ng Sugapa sina Lander Vera Perez, Art Acuña at Lou Veloso habang introducing naman si Dyessa Garcia.
Ipapalabas ang Sugapa sa Vivamax simula August 25.