AJ

AJ, umaming kilala ang third party sa hiwalayang Aljur-Kylie… nakiusap na tigilan na ang buntis at baby issues

August 20, 2023 Vinia Vivar 271 views

Kung dito sa Pinas ay hindi masyadong makalantad sina Aljur Abrenica at AJ Raval dahil sa mapang-intrigang mata ng mga tao, bumawi sila nang bonggang-bongga sa Canada.

Nagtungo sa nasabing bansa sina Aljur at AJ para sa show na natanguan ng aktor at sa kasalukuyan ay naroroon pa rin sila.

Sa latest live streaming ni AJ sa Facebook ay makikita ang sweetness nila ni Aljur na kahit nasa restaurant ay naghahalikan sila.

Sa isang part ng live streaming ay mapapanood na hinalikan ni AJ si Aljur at pagkatapos ay sinabing, “Ay, naka-live pala! Nakakalimutan ko minsan, naka-live. Nahihiya ako,”

Paliwanag pa niya, “Sobrang clingy ko kasi, eh.”

At this point ay si Aljur na ang humalik sa kanya sa lips pero bahagyang inilayo na ni AJ ang camera at hindi na masyadong nakita.

Dagdag pang paliwanag ni AJ, “Malambing kasi ako kahit sa family ko, sa dad ko, mayakap talaga (ako).”

Pero mukhang ready na rin naman si AJ na ilantad ang relasyon nila dahil sa panay-panay na pagla-live nila ni Aljur habang nasa Canada. Mukhang nami-miss na rin nila ang Pilipinas kaya panay ang update nila sa kanilang fans dito.

A few days ago ay nag-live rin si AJ sa FB at dito ay nilinaw niya na wala silang nilokong tao ni Aljur dahil nang pumasok siya sa buhay ng aktor ay hiwalay na ito sa asawang si Kylie Padilla.

“’Di baleng tawagin n’yo na akong kabet and all, siguro ‘yun ang tingin sa akin ng ibang tao dahil kasal nga si Aljur, pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon, mamatay man ang buong pamilya ko ngayon, nag-start ‘yung relationship namin nang wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao. Ganu’n nag-start ‘yung relationship namin,” pahayag ni AJ.

Nang magsimulang manligaw sa kanya si Aljur ay tinanong niya agad ito tungkol sa pagiging married man nito at ang sabi raw sa kanya ng aktor ay hiwalay na talaga sila at may partner na ring iba si Kylie.

Hindi raw siya home wrecker at kilala niya ‘yung sinasabing “other woman” na involved sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

“Ayokong mag-namedrop pero kilala ko kung sino ‘yung totoong babaeng involved talaga sa panloloko nila sa relationship nilang dalawa,” aniya.

Nakiusap din siya sa mga basher na tigilan na sila pati na ang akusasyon na mayroon silang anak.

“Tama na guys (ang pangba-bash). Saka pakinggan n’yo si Kylie. Tama na ‘yung pagta-tag sa kanya, nanahimik ‘yung tao, nai-stress n’yo. Ini-stress n’yo lahat.

“Alam n’yo kung sino ang atekihin n’yo? ‘Yung talagang taong gumawa ng kasalanan sa kanila,” she said.

“Saka enough na please, enough na du’n sa mga baby-baby issue and buntis and all. Hindi nangyari ‘yun, okay? Walang ganu’n. Hindi ako nakakapagsalita, dito lang sa live ko, sa page ko, kasi hindi talaga ako nabigyan ng chance na magsalita, na protektahan ‘yung sarili ko,” paglilinaw pa ni AJ.

AUTHOR PROFILE