Sheryn

The ballad of Sheryn and Mel: Pinagtagpo ng pagkain

July 4, 2023 Aster Amoyo 504 views

Sheryn1Sheryn2Sheryn3Sheryn4Sheryn5FORTY two-year-old singer-performer, OPM hitmaker, performer and occasional actress Sheryn Regis, dubbed as “Crystal Voice of Asia” came out publicly as a lesbian in 2021 matapos itong mag-share sa isang TikTok video with her present partner-manager, ang entrepreneur na si Mel de Guia who is 11 years her junior. But their partnership has blessings ng kanilang respective families including Sheryn’s ex-husband and former manager now based in the U.S. na si Earl Echiverri and their only child, now 20 na si Lourdes or Sweet.

Pagkatapos ng kanilang heart to heart talk ng ex-husband na si Earl and their daughter na si Sweet (who are both in the U.S.) nag-desisyon si Sheryn na bumalik ng Pilipinas to resurrect her music career na kanyang tinalikuran sa loob ng sampung taon matapos silang mag-desisyon na mamirmihan sa Amerika with her family. While Sheryn was still active with her singing career in the US and performing in other careers including side trips to the Philippines, she felt she was empty. May hinahanap siya sa kanyang sarili na hindi umano niya matugunan ng kasagutan.

All her life ay itinago niya ang kanyang tunay na pagkatao at nararamdaman para sa kanyang pamilya at singing career.

She had a very loving and supportive husband and a lovely daughter pero sa kabila nito ay meron pa rin umano siyang hinahanap sa kanyang sarili. She was incomplete at hindi masaya. Until one day, ipinagtapat niya sa kanyang (dating) mister at kaisa-isang anak na isa siyang lesbian. But it did not come as a surprise to them.

Matagal na palang alam ng kanyang dating mister pero sa kabila nito ay hindi nagbago ang kanyang pagmamahal, pag-unawa at suporta sa (dating) misis gayundin ang kanilang anak na si Sweet kaya natuwa si Sheryn at nakahinga umano siya nang maluwag. Matagal umano niyang itinago ang kanyang tunay na pagkatao at nararamdaman at ang pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nakawala sa matagal na `pagkakagapos’ sa tunay niyang nararamdaman. Pero bago ito ay nangumpisal din umano siya sa kanyang magulang at mga kapatid na naging understanstanding at supportive din sa kanya.

Nung August 21,. 2021, Sheryn was in her condo and she decided to order food online (na madalas na ginagawa for her ng kanyang sister-in-law). This time wala siyang mautusang mag-order for her kaya nag-desisyon siyang mag-order sa isang restaurant na may delivery service at si Mel de Guia mismo ang nakasagot.

Ang buong akala ni Mel ay may party si Sheryn sa kanyang condo dahil sa rami ng in-order nitong pagkain at frozen foods. The delivery was made two days later at si Mel mismo ang nag-deliver along with her staff.

Since mag-isa lamang noon si Sheryn sa kanyang condo unit, she asked Mel and her staff na dalhin ang mga pagkain sa kanyang unit and she ended up asking Mel and her staff to join her for late lunch which they obliged.

Na-impress si Mel sa pagiging mabait at down to earth ni Sheryn sa kabila ng kanyang pagiging celebrity. Si Sheryn naman ay sobrang humanga sa pagiging matangkad at maganda ni Mel na magaan din ang dating sa kanya.

Ang first meeting na `yon nina Sheryn at Mel ay nasundan pa ng ilang beses until they became comfortable sa isa’t isa. In the process ay nagkakilala sila nang husto at naging honest about themselves. A month later, September 25 ay opisyal na naging magka-relasyon ang dalawa at kasunod na rito ang kanilang pagpapakilala sa kanilang respective families. Personal ding nagpaalam ang dalawa sa mag-ama ni Sheryn na sina Earl at Sweet kaya walang naging balakid sa kanilang relasyon until they decided to live together.

Walang background si Mel sa pagiging isang talent manager pero dahil sa guidance ni Sheryn ay unti-unti niya itong natutunan. There are times na humihingi rin ng advise si Mel sa ex-husband ni Sheryn na si Earl. Kakaiba ang maituturing na modern set-up ng pamilya nina Sheryn at Mel na ang huli ay tanggap ng mag-ama ni Sheryn at naging kaibigan na rin.

Since mas gusto ni Mel na mag-focus kay Sheryn maging sa career nito, pansamantala niyang isinara ang kanyang business. And she’s doing great bilang manager ngayon ni Sheryn.

Kung dati-rati’y pampered si Sheryn ng kanyang ex-husband pagdating sa mga gusto niyang bilhin, ngayon ay natutunan umano niya ang value ng pera sa tulong ni Mel at hindi na siya basta-basta gumagasta.

Sa tulong ni Mel, she converted one of the rooms ng kanyang condo as her own (recording) studio.

Mel is not only her partner and manager now kundi ito rin umano ang kanyang stylist and bodyguard. Mel is tall at 5’10” at 4’11” naman si Sheryn na kayang- kaya niyang protektahan.

Sa aming exclusive na panayam sa dalawa para sa aming online talk show on YouTube, ang “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin ni Mel that she was into sports when she was in high school and college. Dahil maganda at matangkad ay naging naging local beauty queen siya sa kanilang school and joined Bb. Pilipinas.

But she met a motorcycle accident na ikinasira ng kanyang mukha but was later restored.

Ayon kay Mel, wala umano sa puso niya ang kanyang pagsali sa beauty pageant at pinagbigyan lamang umano niya ang kanyang pamilya. Noon pa lamang ay ayaw niyang mag-dress, mag-suot ng gown laluna ang pagsuot ng heels.

Her mother was a battered wife at nangako siya sa kanyang sarili na iibahin niya ang takbo ng kanyang buhay hanggang magsimula siyang mamuhay independently from her family and put up her own business.

Ayon kay Mel, lahat ng mga mahal sa buhay ni Sheryn ay in-embrace din umano niya.

“Lahat ng mga taong mahal niya ay mahal ko na rin at ang mga bagay na magpapasaya sa kanya ay gagawin ko at kasama na rito ang pag-unawa sa kanyang mood swings,” lahad ni Mel.

Aminado rin si Mel that she has had a string of relationships with other women before she met Sheryn pero kakaiba umano ang kanyang naramdaman dito. Gusto umano niyang makasama na ito habambuhay.

“Masaya kami sa isa’t isa,” pag-amin pa niya.

“I never felt so complete until I met Mel,” susog naman ni Sheryn.

Si Sheryn ay first runner-up ni Erik Santos sa “Star In A Million” reality singing competition ng ABS-CBN nung 2003 at kung saan naman third runner-up si Christian Bautista. Sila ni Erik were signed up ng Star Records (Star Music ngayon) where they recorded their respective hit albums and songs. Naging mainstay rin noon si Sheryn ng “ASAP” (now “ASAP Natin `To”). Naging paborito rin noon si Sheryn na kumanta ng mga theme songs ng hit teleseryes ng ABS-CBN including “Marina” in 2004, “Krystala” and “Kampanerang Kuba” in 2005 among others.

She achieved four multi-platinum albums out of five solo albums ang five gold records.

She’s the voice behind the hit songs na “Hindi Ko Kayang Iwan Ka,” “Come In Out of The Rain” and more.

She recorded five solo albums under Star Music at ang mga ito ay ang “Come Out In The Rain,” “What I Do Best,” “The Modern Jukebox Collection,”

“Starting Over Again” and ‘She”. Sang over 24 TV theme songs and commercial jingles.

Unknown to many, si Sheryn ay naging produkto rin ng “Eat Bulaga” nung 2002 nang siya’y maging champion ng “Sing-Eat” portion ng nasabing noontime show where she was proclaimed as “Birit Baby” champion.

Tulad ng maraming kilalang singers from Cebu tulad ng Asian Queen of Songs na si Pilita Corrales, ang singer-actress na si Vina Morales, ang Asia’s Song Diva na si Dulce at marami pang iba, Sheryn started showing her singing talent when she was two. She was five nang maging paborito niyang kantahin ang classic OPM hit ni Kuh Ledesma, ang “Dito Ba?”,

She was 7 nang magsimula siyang sumali sa iba’t ibang amateur singing contests in Cebu at naging kampeon siya sa isang singing amateaur contest kung saan niya kinanta ang “Saan Ako Nagkamali” ni Tillie Moreno.

At a young age ay naging bahagi rin siya ng voice chorale ng kanilang school and participated in theater acting in school.

Sa kabila ng pagiging abala na noon ni Sheryn bilang isang singer, tinapos niya ang kanyang pag-aaral ng Secondary Education degree sa Cebu Normal University.

She was singing in a lounge in Cebu Plaza nang makilala niya ang kanyang (ex) husband na si Earl Echiverri (over 20 years her senior).

The music influences of the multi awarded singer and performer include Whitney Houston, Lea Salonga, Regine Velasquez, Mariah Carey, Michael Jackson, Celine Dion, Aretha Franklin, Beyonce, Kuh Ledesma, Lani Misalucha among others.

Watch out for my exclusive full interview with Sheryn and Mel on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel on July 14, 2023, Friday at 12:00 noon.

Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE