Default Thumbnail

Tauhan ng MTPB kinuyog sa Sampaloc

November 17, 2022 Jonjon Reyes 215 views

ISANG tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau( MTPB ) ang kinuyog ng may limang individual habang nasa kasagsagan ng clearing operations sa Geronimo Street sakop ng Brgy 432 sa Sampaloc, Manila.

Bago pa man nangyari ang pag kuyog sa biktima nasa kalagitnaan ng clearing operation at habang nagkukuha siya ng video sa isinagawa nilang operation bilang blogger,ay may biglang pumalo sa kanya at pinagtulungan umanong bugbugn.

At dahol naka-helmet hindi napuruhan ang ulo at mukha ng biktima na si Marjo Armada, 53, empleyado ng MTPB.

Batay sa ulat na nakarating kay Police Lt.Col. Wilson Villaruel, Commander ng Sampaloc Police Station.4 pasado alas 9 a.m. nang maganap ang insidente.

Patuloy ang sinasagawang invistigasyon ng mga kapulisan ng Sampaloc para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa nakalap na impormasyon ng MTPB, matagal nang pumapalag sa clearing operations ang mga nag-iiwan ng pedicab, kariton at maging sasakyan sa lugar

Samantala, nag-usap din ang MTPB at kinatawan ng Ospital ng Sampaloc dahil sa pagkakadamay ng mga sasakyan ng mga tauhan ng pagamutan dulot ng kawalan ng maayos na paradahan na inilaan para dito.

AUTHOR PROFILE