Samonte

PWD suspek sa pagpatay ng Lalamove driver, timbog

November 17, 2022 Jonjon Reyes 381 views

ARESTADO ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, ang isang person with disability (PWD) na si alyas”Putol”, 32, sa Sta. Maria, Bulacan dahil suspek ito sa pagpatay sa isang Lalamove Rider sa Tondo, Manila Hulyo 15, 2022, iniulat ng pulisya.

Matapos na maglabas ng arrest warrant laban sa suspek si Judge Josephina Eco Siscar, ng Regional Trial Court Branch 55 ng Manila, na may petsang Oktubre 10, 2022, para kasong ” murder,” agad kumilos at umaksyon si Police Major Edward Samonte, hepe ng MPD- SMaRT.

Ito ay makaraang lumapit at humingi ng tulong ang. kambal ng biktimang si Allan Richarson Sumang, may asawa’t anak ng Delpan, St.,Tondo.

Magkakasanib puwersa ng Pulis Maynila, sa pangunguna ni Major Samonte at ilang tauhan ni PLt. Col. Rosalino “Jhun” Ibay Jr. hepe ng MPD- Raxabago Police Station 1 kasama ang mga MDIT- RIU ng NCRPO nang magtungo sila sa Bgy. Catmon, Sta. Maria, Bulacan.

Dahil sa tawag ng isang impormante ay naaresto ang suspek na putol ang kaliwang binti at residente ng Franco Street, Brgy. 64,Tondo.

Nag ugat umano ang krimen nang masagi ng motorsiklo ng biktima ang ama ni ‘Putol’ na noon ay naglalakad sa gilid ng Franco Street sa Brgy. 64.

Dito na umano lumapit si Putol at kinompronta ang rider. Nagkaroon umano sila ng pagtatalo ngunit naayos agad.

Pasakaya na sa kanyang motorsiklo para mag deliver, nang biglang inundayan ito umano ng saksak ang suspek, na may dalawang beses sa likurang bahagi.

Tumagos ang pinansaksak baga ng biktima..

Agad naman naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima. Matapos ang higit isang linngo, tpasado alas 5:20 ng madaling araw ng Hulyo 22,ay binawian ito ng buhay.

Napag-alaman din na nasa most wanted ng Station Level ang suspek at inilaang piyansa ang korte para sa kanyang palaya.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya ng biktama sa kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Director PBGen.Andre P. Dizon at sa mga operatiba ng Smart sa pamumun ni PMajor Samonte dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima. Nina JONJON REYES & EDD REYES

AUTHOR PROFILE