Default Thumbnail

Suspek na nagtago ng 9 na taon timbog

November 17, 2022 Jonjon Reyes 249 views

HINDI inakala ng isang construction worker na matutunton ito sa Maynila, makaraang magtago nang halos siyam na taon sa pag-aakusa sa panggagahasa sa noon ay nasa 19-anyos pa lamang na biktima sa Barathan , Sta.Cruz , Mindoro Occidental.

Ang suspek ay matimbog ito sa Pinagsama Vilage , Taguig City.

Ang pinagsanib na puwersa ng Manila Police District – Warrant and Subpoena Section sa Headquarters na pinamunuan ni Police Leutenant Jerry Campo at ang tatlo nitong mga tauhan at ng mga kapulisan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro sa pangunguna ni Police Major Ariel Roldan, ay nagtungo sa nasabing lugar, bandang 11:37 ng tanghali nitong Lunes at naaresto ang suspek na nakilalang si Jomar Manalo, 29.

Patuloy na tinutugis ang dalawa nitong kasamahan na pawang obrero.

Ayon sa report ng pulisya, may siyam na taon na umanong naganap ang panggagahasa sa noon ay dalagita pa ang biktima sa barracks nang ginagawang gusali sa naturang lugar.

Nabatid sa pulisya, kasama ang biktima nang makipag inuman ito sa tat;pmg construction worker.

AUTHOR PROFILE