BBM1

Tapos na, bilangan na lang

March 18, 2022 Marlon Purification 523 views

BBM nangunguna kahit anong survey

TULAD ng sinabi sa Kalye Survey, uwian na at may nanalo na!

Ito ay walang iba kundi si presidential front-runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kahit anong survey firm, siya ang nangunguna at palaging malayong nasunod sa kaniya ang lahat ng katunggali mula noong buwan pa ng Nobyembre 2021.

Dahil dito, marami ang nagsasabi na ang pinaglalabanan na lang ngayon ay ang slot para sa number 2 na maaaring paglabanan nina Leni Robredo at Isko Moreno.

Batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Research survey, si Robredo ay nakakuha ng 15 percent kumpara sa 10 percent ni Isko.

Malayong hindi hamak sila sa 60 percent na nakuha ni Marcos.

Ang masaklap, kahit sa SWS, Laylo, MB-Tangere, Octa Research, Publicus, Kalye Survey, DZRH at DZXL-RMN-APCORE, si Marcos ang palaging number 1.

Malaki naman ang tsansang makadikit si Isko kay Leni lalo’t mismong ang Pangulong Duterte ang nagkumpirma sa pakikipag-alyansa ni Robredo sa teroristang New People’s Army.