Crime

Tanod itinumba sa Lipa

February 8, 2024 Jojo C. Magsombol 86 views

DEDO noong Miyerkules ang isang barangay tanod matapos barilin habang nagmomotor na nakamotor din sa Brgy. Balintawak, Lipa City, Batangas.

Ayon sa Lipa City police, 40-anyos ang biktima na si Jayson Ganga Badillo. Nakilala ang suspek na si alyas Jonel.

Nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ang biktima bandang alas-7:30 ng gabi pero sinusundan na pala siya ng salarin na naka-motorsiklo din.

Nang mapalapit sa kanya, binaril siya ng suspek nang walang sabi-sabi.

Bumagsak sa kalye ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Tumakas ang suspek mula sa pinangyarihan ng krimen pero natimbog sa Brgy. Bolbok. Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 na revolver.

AUTHOR PROFILE