Default Thumbnail

Rape suspek imbes sumuko, naglaslas ng leeg, tiyan

February 8, 2024 Gil Aman 131 views

IMBES na sumuko, nagpakamatay umano ang isang suspek sa panghahalay sa pamamagitan ng paglaslas sa leeg at sikmura bago abutan ng mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest noong Miyerkules sa Brgy. San Cristobal, San Pablo City, Laguna.

Kinilala ni Wilhelmino Saldivar Jr., hepe ng San Pablo City Police, ang nasawing biktima na si Salino Melva.

Idineklarang dead-on-arrival ni Dr. Marvin Bautista sa Panlalawigang Pagamutan ng Laguna ang suspek dahil sa malalim na laslas sa leeg at sikmura.

Dakong alas-3:15 ng hapon nang magpakamatay ang suspek bago maisilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Myla Villavicencio-Olan, presiding judge ng Family Court Branch 7 sa San Pablo City.

Natunugan ng suspek na padating na ang mga pulis kaya mabilis na umakyat sa kisame saka doon naglaslas ng leeg at tiyan.

AUTHOR PROFILE