yassi

Tambalang Yassi-JC, ratsada sa 2 million views

October 22, 2021 Ian F. Fariñas 71 views

BONGGA ang kauna-unahang tambalan nina Yassi Pressman at JC Santos dahil dalawang araw matapos i-upload ang trailer ng kanilang pelikula na More Than Blue, eh, meron na agad itong mahigit dalawang milyong views online.

Marami na nga ang nag-aabang sa pagtatambal na ito nina Yassi at JC sa Philippine adaptation ng hit South Korean romance-drama film na More Than Blue at siguradong marami ang makaka-relate sa masakit na kwento ng pag-iibigan ng kanilang mga karakter.

Ang More Than Blue ay tungkol sa dalawang ampon, sina K (JC) at Cream (Yassi) na magkasabay na lumaki bilang magkaibigan.

Inabandona si K ng kanyang ina nang mamatay sa kanser ang kanyang ama habang si Cream naman ay naulila nang mamatay ang miyembro ng kanyang pamilya sa isang car accident.

Itatago ni K kay Cream ang tunay na kalagayan hanggang sa makilala ni Cream si John Louis (Diego Loyzaga), ang lalaking kanyang iibigin.

Mula sa panulat ng award-winning na si Mel del Rosario, ang More Than Blue ay idinirek ni Nuel Naval (Miracle in Cell No. 7).

Kasama rin si Ariella Arida, mapapanood ito sa Vivamax simula November 19.

AUTHOR PROFILE