Litokim

Paglipat ni Kuya Kim, suportado ni Cong. Lito

October 22, 2021 Ian F. Fariñas 69 views

IPINAGLABAN ng congressman at ngayo’y vice presidentiable na si Lito Atienza ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN pero suportado niya ang desisyon ng anak na si Kim Atienza na lumipat sa GMA Network.

Sa isang lunch interview sa entertainment press kasama ang Buhay Party-List candidate na si Von Valdepenas, inamin ni Cong. Lito na kinonsulta siya ni Kuya Kim sa ginawang pag-o-ober da bakod.

Naintindihan daw niya ang pinanggalingan ng anak dahil hindi naman nito iniwan ang Kapamilya channel nu’ng kasagsagan ng laban.

Naging loyal daw si Kuya Kim sa istasyon at ibinigay ang suporta’t pagtatrabaho nu’ng panahong kailangang-kailangan ito.

“Alam niyang, siyempre, papansinin ko ’yon. Ang kay Kim, ‘Ang abs, ibinigay ko lahat ang aking tulong. Lahat ng suporta. Lahat ng aking panahon at hindi naman ako nawala sa kanila nu’ng sila ay nasa gitna ng digmaan. I gave it all. Pero wala namang pupuntahan ang career ko.

Saan ako pupunta? I’mm a professional mediaman. ’Yan ang pinag-aralan ko sa UP. May pagkakataon namang bigyan ng trabaho ng gma, so tinanggap ko na. Tama ba ’yung decision ko?’

“So sabi ko, as your father, and I also have a firm belief in loyalty, naipakita mo na ’yan. Now is the right time to think about yourself. Saan ka pupunta? Magbabago ka ba ng career? O ipagpapatuloy mo ang media? Eh, kung ipagpapatuloy mo, inaanyayahan ka ng gma at gusto mo namang sumapi na, sundin mo ang konsensiya mo. I support your decision, tama ’yon,” kwento ni Cong. Lito sa naging pag-uusap nilang mag-ama.

Ngayon, kung nilayasan daw ni Kuya Kim ang ABS nu’ng umpisa o kalagitnaan ng giyera, du’n siya pwedeng i-bash at tawaging “deserter” ng kanyang haters.

Sa paniwala ni Cong. Lito, “Mali naman talaga ’yung ginawa sa abs. Pero ano ang magagawa mo sa adminstrasyon ngayon? Wala kang magagawa.”

Wala naman daw napatunayan na ginawang illegal ang istasyon matapos ang 13 sessions kung saan halos lahat ng ahensiya ng gobeyrno ay tinawag para tumestigo.

Kaya niya, “After 13 sessions, the decision came out, guilty beyond doubt. Ang tawag du’n, miscarriage of justice. Ang tawag ko du’n, ’yan ang example ng kangaroo court and I do not accept the decision. And that’s why I keep on fighting for the rights of millions of people who believe that abs is innocent as I also saw it. Wala talagang napatunayan na ginawa na illegal ang abs. Kung mali ang desisyon, one day it will be rectified. Ang sinasabi ko lang, si Kim, sa loob-loob niya, ‘pa’no naman ako mabubuhay dito, wala akong ginagawa, bibigyan ako ng show dito,’ as a professional, tama ’yung desisyon niya.”

AUTHOR PROFILE