Rose Larawan mula sa IG/Rose Van Ginkel

Tamang timpla

April 15, 2024 People's Tonight 77 views

MAPAPA-SAMBA kami sayo, Madam.”

Isa lamang iyan sa mga linyang isinigaw ng ilang netizens nang ibandera ng singer-actress at model na si Rose Van Ginkel ang kanyang curvaceous body.

Sa isa sa kanyang Instagram post, fresh at glowing ang ibinahagi niyang mga larawan. Tamang timpla ng sexy at cool image ang masusulyapan sa nasabing post.

Ibang klase kung magpatakam sa mga pose at facial expressions ang former member ng girl group na Pop Girls. Sarap kung sarap ang malalasap sa ibinubuga nitong awra.

Todo-flex ang singer-actress sa perfect nitong pigura na siyang umangat sa suot na one-piece black swimsuit.

Mula kilikili hanggang sa kasingit-singitan ng kanyang patang malaman, wala kang makikitang anyo ng kadiliman.

Swak na swak na pampagana sa tag-init ang kanyang mestiza beauty para sa mga kalahi ni Adan. Tiyak na aahon ang mga natutulog na ugat ng mga barako dahil siya ang perpektong pagpapantasyahan nila.

Pinusuan naman ng netizens at binaha ng fire emojis ang nasabing post ni Rose Van.

AUTHOR PROFILE