Ataska Larawan mula sa IG/Ataska Mercado

Mga bundok na kinabog ang Chocolate Hills

April 15, 2024 People's Tonight 68 views

AYON sa ilang netizens, dinaig pa umano ng singer-songwriter at Vivamax actress na si Ataska Mercado ang kilalang atraksyon na Chocolate Hills dahil sa sarili nitong mga “bundok.”

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng sexy star ang ilang promotional photos para sa bago nitong proyekto sa Vivamax.

Tampok si Ataska sa isang Vivamax original film na pinamagatang ‘Sweet Release’ sa direksyon ni Pancho Maniquis. Nakasama niya sa nasabing pelikula ang ilang bituin ng Vivamax kabilang na sina Dyessa Garcia at Mhack Morales.

Biyaheng langit ang taglay na ganda ng katawan ni Ataska sa mga in-upload na larawan. Todo-awra siya sa kanyang mga pose habang sakay ng isang kotse.

Mabubusog ang kahit na sinong kelot sa katakam-takam niyang hubog habang suot ang isang bikini na pinaresan pa ng short-shorts.

Nag-ala tarsier naman ang mga barako ng social media nang masilayan nila ang bersyon ng “Chocolate Hills” ni Ataska. Nanlaki ang mga mata nito sa pag-zoom in sa malaking dyoga ng singer-actress.

“Grabe ka na ataskaaaaaaa. Dinaig mo ang chocolate hills,” komento nga ng isang netizen sa nasabing post.

Pamilyar ang mga tao kay Ataska dahil bukod sa mga musika nito, tampok din ang dalaga sa mga palabas kabilang na ang Bisyo! (2023), Miss Granny (2018) at Sensitive and in Love (2020).

AUTHOR PROFILE