Vicki

Tablescaping nina Dr. Vicki at Chemist Pinky, mapapanood sa YouTube

November 7, 2021 Ian F. Fariñas 234 views

By popular demand, muling mapapanood sa YouTube Channel ni Dra. Vicki Belo ang guesting niya sa programang Table Love by Pinky Tobiano sa ANC at iWant TV.

Interesting ang episode na ito na kung saan ay nag-tour si Dra. Belo sa tahanan ni Chemist Pinky at ipinakita ang mga naka-display na collections niya ng plato.

Doon nakikita ang mga magagandang design ng plato ng Fornasetti, Hermes, Dior, Versace at marami pa.

Ginamit ang ilang kubyertos na ito sa ginawa nilang tablescaping.

Pero ang isa pang nakakatuwa sa ginawa nila ni Dr. Belo ay ang tinawag nilang “Tablescape On a Budget.”

Nakakamangha ang ginawa ni Chemist Pinky na nakabuo siya ng isang tablescape sa halagang isang libong piso lamang.

Gamit dito ang recycled bottle, mga halamang binili sa Dangwa na nagkakahalaga lamang ng sampung piso bawat isa at ang iba ay three for P100 lamang.

Pati ang plato at mga kubyertos na binili nila sa isang mall ay hindi pa umabot ng P500.

Pero pagkatapos niyang ayusin ay nagmukha nang mamahalin ang naturang tablescape.

“You don’t need to have an expensive budget to create a beautiful set,” pakli ni Chemist Pinky na binansagang “Queen of Tablescape.”

Sa pagtatapos ng naturang vlog, ginawa ni Dra. Belo ang challenge ng pag-tablescape sa ilalim ng instruction ni Chemist Pinky na naka-blindfold.

Natuwa ang celebrity doctor na maganda ang kinalabasan ng tablescaping niya habang sinusunod ang instructions ni Chemist Pinky.

Mag-subscribe lamang sa You Tube Channel ni Dr. Vicki Belo para mapanood ang iba’t ibang tablescaping at ang budgeted na tablescape.

Puwede rin kayong mag-follow sa Instagram account na tablelovebyPinky para sa iba’t-ibang tablescaping inspirations.

May matutunan kayo na magagamit sa paghahanda ng Noche Buena sa darating na Pasko.

AUTHOR PROFILE