Posas

Suspek sa rape, child abuse nagtago ng 16 taon, arestado

February 28, 2024 Gil Aman 82 views

Camp Vicente Lim Canlubang Laguna — Arestado ang 33-anyos na Most Wanted Person sa Calabarzon dahil sa kasong panggagahasa at child abuse, Martes ng gabi sa Bgy. San Juan, Taytay, Rizal.

Sa ulat na nakarating kay PCol. Felipe B Maraggun, provincial director ng Rizal PPO, kinilala ang naarestong akusado bilang alias Dante, ng Bgy. San Juan Taytay, Rizal.

Base sa ulat, naganap ang manhunt operation ng pinagsamang pwersa ng Taytay MPS, PIU-Rizal PPO, PIT-Rizal RIU at Rizal Provincial Mobile Force Company sa 30 Bautista St, Bgy. San Juan Taytay, Rizal.

Dagdag pa dito na 16 taon umanong nagtago ang suspek na may mga standing warrants of arrest para sa dalawang kaso ng child Abuse at talong kaso ng qualified rape at rape.

Kasalukuyang nasa Taytay Cusotdial Facility ang arestadong suspek para sa tamang disposisyon at pagproseso ng kaso.

Sa pahayag ni PCol. Maraggun , ang Rizal Police Provincial Office ay magpapatuloy laban sa mga wanted person at hindi titigil ang kapulisan ng Rizal PNP sa pagsugpo ng krimen na sumisira sa seguridad, kapayapaan at kaayusan sa probinsya.

AUTHOR PROFILE