Default Thumbnail

MC driver bumangga sa dump truck, patay

February 28, 2024 Jojo C. Magsombol 132 views

PATAY ang isang lalaki matapos aksidenteng mabangga ng kanyang sinasakyang motorsiklo ang isang nakaparadang truck sa national highway ng Brgy. Sabang, Tuy, Batangas.

Ayon sa Tuy town police, ang nasawi ay nakilalang si Arnel Bayaborda , 57, may asawa, at residente ng Barangay Sabang, Tuy.

Sa imbestigasyon, alas-7:20 ng hapon napag-alamang ang gray Honda PCX motorcycle (935UPQ) na minamaneho ng biktima nang aksidenteng mabangga ang puting 12-wheeler Howo dumpt truck (NGS 4884) na naka-park sa outer lane.

Sa lakas ng impak ,nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at ibang parte ng katawan ang biktima na mabilis na isinugod sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring manggagamot.

AUTHOR PROFILE