Posas

Suspek sa panghahalay timbog sa Calaca

February 10, 2024 Jojo C. Magsombol 78 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Nasakote ng mga pulis ang suspek sa panghahalay noong Huwebes sa Brgy. Madalunot, Calaca, Batangas.

Ayon kay Batangas Provincial Police Public Information Office chief Police Major Dave Alex Mercado, 47-anyos, may-asawa, tindero at naninirahan sa nasabing barangay ang natimbog na suspek.

Kumilos ang mga operatiba Calaca Municipal Police para matiklo ang suspek dahil sa kasong rape at statutory rape.

Natimbog siya dahil sa warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 11 ng Balayan, Batangas.

AUTHOR PROFILE